^

Bansa

Ibalik June-March academic calendar - Zubiri

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Ibalik June-March academic calendar - Zubiri
Senate President Juan Miguel Zubiri on January 22, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Dahil palaging nakakansela ang face-to-face classes sanhi ng matinding init, hiniling ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ibalik ang school calendar sa Hunyo hanggang Marso.

Ayon kay Zubiri, dapat kumilos na agad ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) at ibalik ang pre-pandemic calendar ngayong darating na school year (SY) sa halip na unti-unting pagbabalik sa SY 2025- 2026.

Ipinunto ni Zubiri na mapanganib sa kalusugan ang matinding init kaya dapat maiiwas dito ang mga guro at mga mag-aaral.

“Bukod sa paglantad sa ating mga mag-aaral at guro sa mga panganib ng matinding init, sa totoo lang naniniwala ako na ang umiiral na kondisyon ng panahon sa tag-araw ay hindi nakakatulong sa pag-aaral,” sabi ni Zubiri.

“Kaya kung pwede sana, huwag na nating hintayin ang school year 2025-2026. Kung kayang ipatupad sa susunod na school year, gawin na natin at kawawa ang ating mga estudyante sa susunod na summer,” dagdag ni Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na binawi na rin niya ang Senate Bill No. 788, na inihain sa pagsisimula ng 19th Congress, na nag-synchronize ng school year na magsisimula sa Agosto.

““In an ideal world, we do want to be in sync with international school calendars, to give our students a better chance at getting into programs abroad,” ani Zubiri.

“But the reality is that the August calendar has proven to be disruptive to our education system, and even dangerous to the health of our children and school staff,” dagdag pa niya.

Sa katunayan, sinabi ni Zubiri, noong nagsimula ang pagsususpinde ng klase dahil sa matinding init noong Abril 4, kabuuang 4,000 paaralan ang nagsuspinde ng face-to-face class at lumipat sa asynchronous at distance learning modes habang noong Abril 12 ay nasa 7,000 paaralan.

Sinabi na ng DepEd na nagpapatupad ito ng mga hakbang upang unti-unting bumalik sa pre-pandemic school year, na binago noong 2020 dahil sa ipinatupad na lockdown upang labanan ang pagkalat ng COVID-19 public health crisis.

“Pero sa nakikita natin ngayon, mas maganda na ibalik na natin sa susunod na school year. Huwag na nating i-expose ang ating mga estudyante at guro sa ganitong weather conditions,” dagdag ni Zubiri.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with