^

Bansa

Aksidente dadami sa aspalto ng MNR

-

MANILA, Philippines - Posibleng dumami pa ang aksidente sa kalye matapos na ilaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pag-aaspalto ng Manila North Road (McArthur Highway na mula sa Mo­numento–Bulacan) ang pondo na dapat ay naka­laan sa traffic control and management.

Sa pagpupulong sa mga protesters na mula sa transport at business sectors, binatikos ng grupo ang pagbabalewala ng DPWH sa kautusan ni Pangulong Arroyo na ipatupad ang proyekto para sa traffic control, safety at management sa ilang mga pangunahing kalsada na patungo sa Central at Northern Luzon.

Anila, ang panukalang “negotiated procurement’’ para sa karagdagang kon­trata para sa sinasabing traffic management ng MNR package 2 ay hindi lamang paglabag sa Republic Act 9184 kundi ‘irrelevant” sa traffic management and control.

Ayon kay Melo Gonza­les, meat dealer, sa wa­lang humpay na pagtataas ng ga­solina, iniiwasan niyang du­maan sa North Luzon Ex­pressway (NLEX) upang hindi na magbayad ng toll fee at maideliver ang mga sariwang baboy at iba pang meat products mula sa Bu­ lacan, Pampanga at Tar­lac papuntang  Quezon City. 

Iginiit ni Gonzales na ang road asphalting ay pinakawalang kuwentang solusyon sa trapiko. Isa umano itong maliwanag na ‘technical malversation’ at ‘insubordination’ sa kautu­san ng Pangulo. (Doris Franche)

vuukle comment

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DORIS FRANCHE

MANILA NORTH ROAD

MELO GONZA

NORTH LUZON EX

NORTHERN LUZON

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with