^

Bansa

Pagbalik ni Doris Bigornia sa ABS-CBN kinatigan ng NPC

-

MANILA, Philippines - Malugod na kinatigan ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC) na nag-uutos sa management ng ABS-CBN na ibalik sa kanyang posis­yon bilang senior reporter si Doris Bigornia.

“Welcome development ang desisyon nito kaya kami ay nananawa­gan sa ABS-CBN management na ibalik sa kanyang puwesto si Ms. Bigornia.

“Ang pagsunod sa de­sisyon ay makabubuti hindi lang kay Ms. Bigornia bag­kus, maging sa pamunuan ng ABS-CBN dahil ipinapa­kita nito na marunong silang gumalang at sumu­nod sa batas,” ani NPC president Benny Antiporda.

Si Doris ay anak ni Amante Bigornia, pangulo ng NPC noong 1967 at isa sa mga beterano at igina­galang na mamamahayag sa bansa.

Bago tuluyang sinibak sa ABS-CBN noong Abril 22, 2006, sinuspindi muna si Doris ng dalawang araw dahil umano sa kanyang paglabag sa journalist code of ethics.

Ayon sa NLRC, “grave abuse of discretion” at “serious errors” sa pag-unawa sa mga detalye ng kaso ang mga naging pagkuku­lang ng labor arbiter na hu­mawak ng kaso at nagsa­bing wasto at ligal ang desisyon ng ABS-CBN na sibakin si Doris.

“From the records, it appears that without a formal charge and hearing, complainant was meted out a two-day suspension,” ayon pa sa komisyon.

Bukod sa pagsantabi sa orihinal na desisyon ni arbiter Edgardo Madriaga, tuluyang ibinalik ng NLRC  sa kanyang posisyon si Doris, kasabay ng pag-uutos sa ABS-CBN management na bayaran nito ng buo ang mga “back­wages” at iba pang bene­pisyo ni Doris.

Inatasan din ang network na magbayad ng P400,000 kay Doris bilang “moral and exemplary damages” at pagbabayad sa gastos sa paglilitis at attorney’s fee na katumbas ng 10 porsiyento ng hala­gang matatanggap ni Doris.

AMANTE BIGORNIA

BENNY ANTIPORDA

DORIS

DORIS BIGORNIA

EDGARDO MADRIAGA

MS. BIGORNIA

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION

NATIONAL PRESS CLUB OF THE PHILIPPINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with