^

Bansa

Barias 'di masusungkit ang no.2 post

-

Dahil sa mga patong-patong na kaso sa Ombudsman ay malamang na maunsyami ang pag­kuha ni Police Director Geary L. Barias bilang number two man sa Philippine National Police sa inaasahang pagreretiro ni Deputy Director Gen. Is­mael Rafanan sa Marso.

Bukod sa isyu ng seniority sa PNP ay mara­ming mambabatas din ang umalma sa posibili­dad na paghirang kay Barias bilang deputy chief for administration.

Makailang beses ng binatikos ni Sen. Aquilino “Nene” Pimentel ang pa­raan ng pamamalakad ni Barias nung siya ang director ng National Capital Region Police Office sa na­ ganap na “Manila Pen” siege noong Nov. 27, 2007 kung saan inaresto ni Barias ang 27 journalists.

Ayon kay Pimentel, “sinikil ni Barias ang kara­patan ng mga mamama­hayag” nang pamunuan niya ang paghuli sa mga ito.

Ayon naman kay Rep. Liza Maza ay karapat-dapat na maging no. 2 man ng PNP si Police Director General Jefferson Soriano dahil mas nauna siyang naging three-star general kaysa kay Ba­ rias.

“Dapat i-respeto ng liderato ng PNP ang seniority sa pagkakaroon ng estrelya upang maiwa­san ang mga intriga sa hanay ng kapulisan,” ani Maza.

Kamakailan ay naku­ha ni Barias ang kanyang ikatlong star. Base sa mga naunang report, si Soriano ay nagnanais din sa nasabing panga­la­wang posisyon.

Si Ba­rias ang kasalu­kuyang deputy chief ha­bang si Soriano ang pi­nuno ng directorial staff.

Si Rafanan, mistah ni Barias mula sa PMA Class 1975 at ang kasalu­kuyang deputy chief for administration, ay magre­retiro sa March 2.

Samantala, si Soriano naman ang dating pinuno ng Task Force Usig na siyang naghawak ng kaso ng political killings sa bansa. Si Soriano din ay miyembro ng “Magilas” Class of 1976. (Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BARIAS

BUTCH QUEJADA

DEPUTY DIRECTOR GEN

LIZA MAZA

MANILA PEN

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with