^

Bansa

3 balikbayan 'sinuyod' ng SUV sa NAIA

-

Tatlong pasahero na kaka­lapag pa lamang sa eroplano ang sugatan matapos masa­gasaan ng rumaragasang sports utility vehicle na mina­maneho ng isang doktora na rumampa sa bangketa ng arrival extension sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 sa Pasay City kahapon ng hapon.

Kinilala ni ret. Gen. Angel Atutubo, MIAA-asst. general manager for Security and Emergency Services ang may-ari ng bumanggang SUV na si Dr. Erlinda Abad, 65, tubong Tac­loban City.

Maagap namang nakares­ponde ang MIAA-Medical team at binigyan ng karampatang lunas ang mga biktimang sina Godofredo Delgado, 43, administrator ng isang construction company at pasahero ng CX-907 galing HongKong; at da­lawang OFW na galing Dubai na sina Edgardo Catacutan, 44, ng Dan de Leon st., Phase 4, Blk. 4, Lot 6, Greenland, Cainta, Rizal at Mark Philip, 31, ng San Luis st., Sto. Tomas, Batangas.

Ang tatlong biktima ay pawang nagtamo ng pasa at bahagyang sugat sa katawan.

Sa unang pagsisiyasat ng Airport Police Department-Traffic Bureau, dakong alas-12:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng Duty Free Philippines (DFP) outlet na matatagpuan sa may Terminal 1 arrival extension.

Sa salaysay ni Abad, patu­ngo siya sa NAIA 1 lulan ng kulay gray na Toyota Hi-Lux (ZJV-142) upang sunduin ang kanyang pamangkin na si Zenaida Reyes galing Los Angeles, California. Habang nag­ha­hanap siya ng mapapa­rada­han ay muli siyang pinaikot ng guwardiya ng paliparan.

Ayon kay Dr. Abad, nang muli niyang ipinarada ang kanyang sasakyan sa tapat ng DFP upang sunduin ang kan­yang pamangkin ay hindi na nito nakontrol ang manibela nang magpalit siya ng gear dahilan upang rumampa ang gulong sa bangketa at minalas namang mahagip ng naturang sasakyan ang tatlong biktima.

Sinabi naman ng doktora na handa niyang bayaran ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng tatlong sugatang biktima. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AIRPORT POLICE DEPARTMENT-TRAFFIC BUREAU

ANGEL ATUTUBO

DR. ABAD

DR. ERLINDA ABAD

DUTY FREE PHILIPPINES

EDGARDO CATACUTAN

ELLEN FERNANDO

GODOFREDO DELGADO

LOS ANGELES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with