^

Bansa

School na ilalaban sa SIFE World Cup pipiliin

-

Handang-handa na ang isasagawang patimpalak para 2008 Filipinas Students In Free Enterprise (SIFE) National Exposition para sa mga colleges at universities na gaganapin ngayong Sabado sa Dusit Thani Hotel sa Makati City sa pakikipagtulungan na rin ng mga business sector ng bansa.

Ayon kay Filipinas SIFE chairman Jose P. Leviste Jr., ang kompetisyon ay naka-sentro sa pagpili ng pinaka-mahusay na school-based social entrepreneurship.

Ang Filipinas SIFE ay isang international organization na nangunguna sa pagsulong ng panga­ngalakal o negosyo sa iba’t ibang komunidad ng bansa. Sinabi ni Leviste na layunin ng Filipinas SIFE na tukuyin ang karapat-dapat na eskwelahan na magiging kinatawan ng bansa sa prestihiyosong SIFE World Cup na gaganapin sa Singapore sa October 1-3, 2008.

Mahigit sa 1,400 eskwelahan mula sa 47 bansa ang lalahok sa SIFE World Cup habang 20 es­kwelahan naman mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang magpapaligsahan sa SIFE championship sa Sabado kung saan ang mananalo rito ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa SIFE World Cup.

Guest speaker si DENR Secretary Lito Atienza habang si Surigao Gov. Ace Barbers ang isa sa mga hurado.

vuukle comment

ACE BARBERS

ANG FILIPINAS

DUSIT THANI HOTEL

FILIPINAS

FILIPINAS STUDENTS IN FREE ENTERPRISE

JOSE P

LEVISTE JR.

SIFE

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with