^

Bansa

Kahit tag-ulan na, presyo ng commercial rice bumaba

-

Nagsisimula nang bu­ maba ang halaga ng commercial rice sa mga pa­milihan na halos umabot sa P2 sa buong bansa kahit tag-ulan na ngayong bu­wan.

Sa kanyang ulat kay Agriculture Secretary Arthur Yap, sinabi ni Director Romeo Recide ng Bureau of Agricultural Statistics (BAS) na habang matatag na ang presyo ng bigas sa Metro Manila, ang halaga ng butil sa iba’t ibang rehi­yon ay bumaba na ng hala­gang P2 kada kilo batay sa monitoring noong nakaraang linggo.

Kaugnay nito, sinabi ni NFA Administrator Jessup Navarro na ang pagbaba ng halaga ng bigas na iniulat ni Recide ay resulta ng selective bombardment strategy na naipa­tupad ng ahensiya sa utos ni Pa­ngulong Arroyo at Secretary Yap.

Sinabi ni Yap na ang pagbagsak ng presyo ng bigas ay mahalaga dahil tuwing panahon ng tag-ulan ang halaga ng butil sa retail ay paiba-iba sa pa­nahon ng lean months.

Kaugnay nito, sinabi ni Yap na patuloy na sapat ang suplay ng bigas sa bansa at walang maga­ganap na pagkakulang dito.

Ang NFA ay may 350,000 metric tons ng laang bigas kada buwan upang patuloy na ma stabilized ang suplay ng butil at maibaba ang halaga nito sa ibat ibang mga pami­lihan sa bansa.

Ang NFA rice ay nana­natili sa halagang P18.25 a kilo at ang commercial varieties naman ng butil ay pumapalo sa halagang mula P25 hanggang P35 kada kilo mula pa noong buwan ng Hunyo hang­gang kasalukuyan. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ADMINISTRATOR JESSUP NAVARRO

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

BUREAU OF AGRICULTURAL STATISTICS

DIRECTOR ROMEO RECIDE

KAUGNAY

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with