^

Bansa

Meralco lugi na!

-

Dahil sa sigalot sa pagitan ng gobyerno at ng Manila Electric Company (MERALCO), nalulugi na umano ang naturang kom­panya at bumabagsak din ang 2 pang kompanyang pag-aari ng mga Lopez batay sa matumal na takbo ng stock market, ayon sa mga stock analysts.

Natakot umano ang mga dayuhang negos­yan­te sa banta ni Sen. Juan Ponce Enrile sa ka­nila na sisiyasatin sila dahil sa panghihimasok ng Joint Foreign Cham­bers of the Philippines (JFCP) sa panukalang amyendahan ang EPIRA law. Ayon sa record ng Philippine Stock Exchange, dalawang por­si­yento ang ibinabagsak ng stock market araw-araw dahil dito.

Bukod sa mga ME­RALCO, Benpres Hold­ings at First Philippine Holdings ng mga Lopez, apektado rin umano ang iba pang malalaking ne­ gosyo dahil sa pag-uurong ng kapital ng ilang inves­tors sa nakalipas na ilang linggo magmula nang sumulpot ang kontro­ bersya hinggil sa pag­sawsaw ng mga politiko sa isyu ng elektrisidad.

Kung hindi marere­solba ang problema, si­nasabi ng mga analysts na malamang lumala pa ang malawakang pag-atras ng mga foreign in­vestors lalo na sa lara­ngan ng enerhiya.

Sa nakalipas na dala­wang linggo, patuloy uma­nong tumatamlay ang kalakalan sa Philippine Stock Exchange kung saan ang volume ng ben­ tahan ng shares ay bu­magsak na sa P2 bilyon mula sa P5 bilyon.

Binatikos kamakailan ni Enrile ang aniya’y “pa­kikialam” sa bansa ng JFCP kay Pang. Arroyo no­­ ong isang linggo na huwag ba­guhin ang mga regulas­yon sa negosyo partikular na ang RA 9136 o Electric Power Industry Reform Act of 2001, para maiba­ba ang singil sa kuryente.

Sinusugan na ng Phi­lippine Chamber of Com­merce and Industry (PCCI), Makati Business Club (MBC) at Semi-conduc­tors and Electro­nics In­dustry of the Philip­pines (Seipi) ang pana­wagan ng JFCP sa pama­halaan na tigilan na ang paghalo ng pulitika sa sektor ng enerhiya at mahusay na ipatupad na lamang ang EPIRA.

Sinabi ni Jesse O. Ang, resident repre­sen­tative sa Pilipinas ng Inter­national Finance Corp. (IFC), mas maka­bu­buti sa bansa kung itu­tuloy na lamang ng gob­yerno ang maayos na pag­papa­tu­pad ng batas kesa bagu­hin ng baguhin ang mga probisyon nito.

Kahit ang Asian Deve­lopment Bank (ADB) ay nagpahayag ng pangam­ba sa Malacañang sa negatibong epekto ng pagsusog sa EPIRA kahit hindi pa nakikita ang po­sitibong epekto ng mati­nong pagpapatupad nito.

Ayon kay Thomas Crouch, deputy director general for Southeast   Asia ng ADB, malaki ang panganib na “ma-hos­tage” lamang sa interes ng mga pulitiko ang pag-amyenda sa naturang batas. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ASIAN DEVE

AYON

BENPRES HOLD

CHAMBER OF COM

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with