Bombings, Kidnappings, Assassination: 7 terror group nag-alyansa
August 19, 2006 | 12:00am
Pitong grupo ng terorista sa loob at labas ng bansa ang planong magsanib ng puwersa upang maglunsad ng suicide bombings, kidnappings at asasinasyon ng mga opisyal ng pamahalaan kasama na si Pangulong Arroyo.
Ayon sa Anti-Terrorism Task Force (ATTF), nakapaloob ang plano sa mga nakuhang dokumento na nagsasaad sa detalye ng gagawing terroristic act.
Dahil dito, kinakailangan umanong mapagtibay sa lalong madaling panahon ang bill kontra-terorismo.
Ilan sa mga grupong tinukoy na kasama sa terroristic alliance ay ang Jemaah Islamiyah, Al Qaeda, Moro National Liberation Front, Moro Islamic Liberation Front Lost Command, Abu Sayyaf, New Peoples Army at Rajah Solaiman Movement.
Plano raw gawing target ng mga suicide bomber ang mga daungan, airports, malls, hotels, LTR, MRT at iba pang matataong lugar at matataas na gusali sa mga commercial districts.
Batay sa mga na-intercept na e-mail message, aktibo raw ang Abu Sayyaf sa pagkuha ng mga bagong recruits na sasanayin sa asasinasyon.
Doble seguridad na ang ipinatutupad ng kapulisan sa lahat ng mga itinuturing na potensiyal na target at patuloy ang kanilang pinalakas na intelligence monitoring upang manmanan ang galaw ng naturang mga grupo dahil walang makapagsasabi kung kailan ang mga ito aatake.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended