1,000 aftershocks naitala
March 3, 2006 | 12:00am
Nakapagtala ng mahigit 1,000 aftershocks ang Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos ang lindol bunsod ng pagyanig sa Lubang island kamakalawa ng gabi na may magnitude na 4.7 at may lakas na intensity 5 sa Richter scale.
Ayon kay Erlington Olavere ng Phivolcs, hanggang alas-2 ng hapon kahapon ay nakapagtala sila ng pagkilos ng Lubang fault subalit hindi naman anya ito nararamdaman ng mga tao. Kamakalawa ng gabi ay naramdaman ang lindol sa Lubang island subalit wala namang naging pinsala sa mga tao at sa mga ari-arian.
Bukod sa Lubang island, naramdaman ang intensity 2 ng lindol sa Alabang, Quezon City, Makati, Muntinlupa at Parañaque, intensity 3 naman sa Maynila, San Fernando Pampanga, Tagaytay at Talisay, Batangas. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest