^

Bansa

Council of State meeting iisnabin ng oposisyon

-
Nagkakaisa ang mga miyembro ng oposisyon sa Kamara at Senado na hindi sila dadalo sa gaganaping Council of State meeting na gaganapin sa Enero 24 sa Palasyo.

Sinabi ni House Minority Leader Francis Escudero, nagkakasundo ang mga miyembro ng oposisyon sa Kamara na huwag siputin ang nasabing pagpupulong na ipinatawag ng Malacañang.

Ayon kay Rep. Escudero, posibleng gamitin lamang sila ng Palasyo upang palabasin na nakikiisa na ang oposisyon sa mga gustong mangyari ng administrasyong Arroyo.

Ipinaliwanag naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., isang pagsasayang lamang ng oras sa kanilang hanay ang pagdalo sa nasabing Council of State Meeting.

Sa panig naman ni Senate Majority Leader Francis Pangilinan, pag-iisipan pa niya kung sisiputin niya ang nasabing pulong kung saan ay isa rin siya sa mga miyembro. (Malou Rongalerios/Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

COUNCIL OF STATE

COUNCIL OF STATE MEETING

HOUSE MINORITY LEADER FRANCIS ESCUDERO

KAMARA

MALOU RONGALERIOS

PALASYO

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER FRANCIS PANGILINAN

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with