Lifestyle check vs LTFRB chair
June 12, 2005 | 12:00am
Hiniling ng isang grupo ng transportasyon kay Pangulong Arroyo na ipasailalim sa lifestyle check si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Ma. Elena Bautista dahil sa umanoy katiwalian sa kanyang tanggapan.
Ayon sa grupong Union Against Graft and Corruption in the Transport Sector (UAGCTS), isang nagngangalang "Vani" na nagpapakilalang mula sa tanggapan ni Bautista ang nagsisilbi umanong bagman nito at kumukolekta mula sa mga kumpanya ng bus at taxi na nagnanais na makakuha ng franchise.
Talamak umano ang bentahan ng franchise sa LTFRB sa mga kolorum na bus at taxi mula sa halagang P400,000-P500,000 kada sasakyan.
Inakusahan din ang tanggapan ni Bautista na tumatanggap ng malaking halaga mula sa Philippine Accident Management Inc., isang insurance company na siyang sapilitang pinagpaparehistruhan ng mga nagmamay-ari ng sasakyan. Pinakakalkal din ang umanoy pagbili ng isang luxury car na Jaguar ni Bautista na ipinangalan umano sa kanyang kapatid na si Paul. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended