^

Bansa

Tapos na ang protesta sa pagkamatay ni FPJ -Pimentel

-
Naniniwala si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na wala ng saysay ang inihaing electoral protest ni Fernando Poe Jr. sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ngayong patay na ang naghain ng protesta laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang inihayag kahapon ni Sen. Pimentel sa lingguhang Kapihan sa Sulo kaugnay sa nakabinbin na electoral protest ni FPJ sa PET.

Sinabi ni Pimentel, wala naman puwedeng magtuloy ng protesta ni FPJ sa PET dahil hindi naman pinapayagan ang substitution sakaling mamatay ang naghain ng electoral protest.

"Ito ang personal kong paniniwala kasi personal ang pag-file ng protesta at walang iba na puwedeng magsampa ng protesta kundi ang kandidato lamang (FPJ) at siya lang ang may karapatan na maging presidente kapag napatunayan na nagkaroon ng dayaan," wika pa ni Pimentel.

Aniya, hindi naman apektado ang inihaing electoral protest ni dating Sen. Loren Legarda laban kay Vice-President Noli de Castro sa PET dahil hiwalay na protesta naman ang inihain nito.

Ipinagpaliban ng PET ang inisyal na pagdinig sa electoral protest ni FPJ na dapat ay ginanap noong Disyembre 13 subalit itinakda na lamang sa Enero 2005.

Inamin naman ng Korte Suprema na uupo bilang PET na ito ang kauna-unahang kaso na namatay ang naghain ng protesta sa isang presidential election.

Samantala, hiniling din ni Pimentel kay Pangulong Arroyo na huwag ng bigyan ng re-appointment paper si Comelec Commissioner Virgilio Garcillano dahil sa naging atraso nito sa yumaong si FPJ.

Sinabi ng senador, hindi karapat-dapat sa puwesto si Garcillano matapos katigan nito ang diskwalipikasyon ni Mr. Poe sa usapin ng citizenship bukod sa pagkakasangkot nito sa electoral fraud ng maupo bilang regional director sa Mindanao. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

ELECTORAL

FERNANDO POE JR.

KORTE SUPREMA

LOREN LEGARDA

MR. POE

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with