^

Police Metro

Lisensya ng taxi driver na naglabas ng itak, sinuspinde

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasuspindi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang lisensya ng isang taxi driver sa Iloilo City na naglabas ng itak laban sa nakagitgitang rider.

Ayon kay Dizon, bukod sa masuspinde ay ma­aaring makansela rin ang prangkisa ng taxi.

Sa ulat, naganap ang insidente noong Nobyem­bre 11, 2026, dakong alas-10:00 ng umaga sa Barangay Ungka, Jaro District, sa Iloilo City.

Minamaneho ng driver ang isang asul na taxi nang may makagitgitan itong isang rider.

Sa isang viral video, makikitang naglabas ng itak ang taxi driver at inihampas sa bintana ng taxi, na ikinagulat at ikinatakot ng pasahero na kanyang katabi.

Kaagad namang tuma­lima at naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng preventive suspension order laban sa driver dahil sa reckless driving at sinuspinde ang kanyang lisensiya sa loob ng 90 araw.

Inisyuhan rin ng Land Transportation Franchi­sing­ and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause order ang May 17 Transport Corp, na siyang ope­rator ng taxi at inatasang magpaliwanag kung bakit hindi dapat na suspindihin o kanselahin ang kanilang Certificate of Public Con­venience dahil sa insidente.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with