^

Pang Movies

Wilbert, tuloy ang twist sa career

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Wilbert, tuloy ang twist sa career
Wilbert

Walang alinlangan na isa ngayon si Wilbert Ross sa pinaka-busy among his peers.

Now celebrating his 10th anniversary in showbiz, walang hanggang pasasalamat ang gusto niyang ipaabot una sa Diyos, pangalawa sa kanyang pamilya, sa Viva family at sa fans at supporters nila ng ka-loveteam at business partner na si Bea Binene.

Dumaan man sa maraming ups and downs ang karera ni Wilbert, ang mahalaga ay hindi umano siya sumuko.

Sa buwang ito ng November 2026 ang ika-10 taon ni Wilbert sa industriya na noo’y pinapangarap lamang niyang mapasok.

Sa tulong ng adult streaming platform ng Viva, ang Vivamax (now VMX), isa si Wilbert sa nabigyan ng ilang proyekto na ipinalabas on Vivamax.

Kasama na rito ang kanyang solo launching flick, ang Boy Bastos. Nagpatuloy rin ang kanyang recording ng sarili niyang mga komposisyon under Viva Records.

Although unti-unting bumalik sa normal ang lahat nung 2022, it was in 2025 ang masasabing malaking twist sa career ni Wilbert nang ipakilala siya sa isang university series project on Viva One, ang isa pang streaming platform ng Viva bukod sa VMX.

Nang mabigyan ng pagkakataon sina Wilbert at Bea Binene na pagsamahin sa isang serye sa pamamagitan ng Golden Scenery of Tomorrow, kinagat ang nasabing serye na agad nasundan ng isa pa, ang Love U Lots kasunod ang kanyang launching movie bilang magka-loveteam, ang Philippine adaptation ng Thai movie na Pee Mak na nag-hit din sa takilya at kumita ng mahigit P100 million.

Pero bago ang pelikula, pinatunayan din ni Wilbert na isa na rin siyang concert star matapos mag-sold-out ang kanyang New Frontier Theater concert na naging dalawang gabi, July 25 and 26, na parehong naubos in just 30 minutes and one hour pagka-release ng tickets.

Wala mang bagong series at pelikula na pinagkakaabalahan ngayon si Wilbert, kabi-kabila naman ang shows and concerts niya within the Philippines.

WILBERT ROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with