^

Bansa

Accusers ni Noli naghamon ng lie test

-
Hinamon kahapon ng mga nag-aakusa ng pangongotong kay K4 vice presidentiable Noli de Castro na sumailalim sila sa "lie detector test" upang malaman kung sino ang nagsisinungaling.

Sa pahayag ng Alyansa ng mga Kinotongan at Inabuso ni Noli (AKIN), magsasa-sama ang lahat ng naging biktima ng umano’y pangongotong ni de Castro para ipagbanduhan sa publiko ang mapait na sinapit nila sa kamay ng kandidato ng administrasyon.

Pinuri ni AKIN spokesman Enrico Garcia ang katapangan ni Lorna Justine Ramos nang ibulgar nito ang ginawang pag-cover-up ni de Castro ngunit naabsuwelto din noong isang taon. Isiniwalat ni Engle na nang di niya ibinigay ang P2 milyong hinihingi umano ni de Castro ay siya ang ginawa nitong suspek sa umano’y pagkidnap kay Daisy.

Kamakalawa’y nagpainterbyu na rin sa isang malaking radio station ang ilang hog raiser na nagreklamong kinotongan rin umano sila ni de Castro noong kainitan ng foot-and-mouth disease. Sinabi ng mga magbababoy na tinakot sila ni de Castro na kung di sila magbibigay ng pera ay irereport niya sa MGB na nakarating na sa Pilipinas ang FMD na magreresulta sa pagkasira ng kanilang negosyo. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ALYANSA

CASTRO

ELLEN FERNANDO

ENRICO GARCIA

HINAMON

INABUSO

ISINIWALAT

KAMAKALAWA

LORNA JUSTINE RAMOS

NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with