^

Bansa

Drug scandal sa PBA iimbestigahan ng Kongreso

-
Nakatakdang imbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa susunod na linggo ang naganap na drug scandal na kinasasangkutan ng mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ayon kay Davao City Rep. Prospero Nograles, importanteng magsagawa ng imbestigasyon ang House committee on youth and sports sa naturang alegasyon dahil ang mga players na ito ang siyang tinitingala o iniidolo ng mga kabataan.

Aalamin din sa gagawing imbestigasyon kung ginagampanan ng mga team managers at personal managers ang kanilang papel na panatilihing "malinis" ang kanilang mga manlalaro.

Sinabi ni Nograles na dapat na permanente ang gawing ban sa paglalaro sa anumang professional o amateur sports club ng mga basketbolistang napatunayang positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Hindi aniya sapat na ibulgar lamang ang mga pangalan ng manlalarong positibong nagda-drugs kundi dapat ding isailalim kaagad ang mga ito sa rehabilitasyon upang hindi nito maimpluwensiyahan ang ibang manlalaro.

Ilan sa mga sinasabing positibo sa paggamit umano ng illegal drugs sina Asi Taulava, Dorian Peña, Jimwell Torion, Alex Crisano, Norman Gonzales, Noli Locsin, Davonn Harp, Jun Limpot, Angelo David at Ryan Bernardo. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

ALEX CRISANO

ANGELO DAVID

ASI TAULAVA

DAVAO CITY REP

DAVONN HARP

DORIAN PE

JIMWELL TORION

JUN LIMPOT

MABABANG KAPULUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with