^

Bansa

Rico pararangalan ng Kongreso

-
Pararangalan ng Kamara ang namayapang aktor na si Ricardo Carlos Castro Yan, aka Rico Yan dahil sa malaking naiambag nito bilang modelo ng kabataan gayundin sa pagiging mabuting mamamayan. Ito ang nilalaman ng isinumiteng House Resolution 495 ng neophyte solon na si Rep. Miguel Zubiri (Bukidnon).

Ayon kay Zubiri, marapat lamang na kilalanin ang wala sa oras na kamatayan ng sikat na matinee idol na nagdulot ng kalungkutan sa kanyang mga kababayan partikular na sa mga kabataan mula Batanes hanggang Jolo.

"It is hereby resolved by the House of Representatives to Honor the late Ricardo Carlos Yan popularly known as Rico Yan for his exemplary contributions as role model of the youth and outstanding citizen of the Republic," ani Zubiri sa kanyang resolusyon.

Sinabi ni Zubiri na kahanga-hanga ang nilandas na pamumuhay ni Yan na naging mapagpunyaging estudyante ng De La Salle University (DLSU) kung saan nagsumikap ito hanggang sa makatapos ng pag-aaral sa kabila ng kanyang hectic na schedule bilang artista. Si Yan, ayon pa sa kongresista ay isa sa kokonting bilang ng mga artista sa industriya ng showbiz na naka-graduate at isa itong mabuting ehemplo sa kabataan dahil sa kanyang ipinamalas.

Aniya, sa kabila rin umano ng hectic na schedule ni Yan ay naging aktibo ito bilang acting spokesperson ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) kung saan ay ang aktor ang nag-endorso ng programa ng pamahalaan para sa kabataan.

Ayon kay Zubiri, maraming kabataan ang naimpluwensyahan nito, partikular na bilang isang mabuting estudyante na gumaganap ng malaking papel sa kanyang pamilya at komunidad.

Hindi anya matatawaran ang ginawang pagtulong ni Yan sa kanyang mga mahihirap na kababayan lalung-lalo na sa mga kabataan. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

CULTURE AND SPORTS

DE LA SALLE UNIVERSITY

DEPARTMENT OF EDUCATION

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE RESOLUTION

JOY CANTOS

RICO YAN

YAN

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with