^

Bansa

Quorom sa special session tiniyak ni Nene; Miriam binira

-
Tiniyak kahapon ni Senate President Aquilino Pimentel Jr. na magkakaroon ng quorum sa special session ng Senado sa Lunes para talakayin ang special registration ng apat na milyong botanteng Pilipino.

Sinabi ni Pimentel na isang pananakot lamang ang pahayag ni Senador Miriam Defensor-Santiago na iboboykot nito at ng ibang oposisyong senador ang sesyon para hindi magkaroon ng quorum.

Ayon naman kay People Power Coalition Spokesperson Dodi Limcaoco, nawawala na naman umano si Santiago sa sarili nito.

Sinabi ni Limcaoco na halatang desperado na ang kampo ni Santiago kaya kung anu-anong pagbabanta na lamang ang ipinalalabas nito. ìAlalahanin niya, 11 senador ang naging dahilan upang masimulan ang People Power II. Tapos, may plano na naman silang magbanta. Nagpapatawa na sila,î sabi pa ni Limcaoco.

Kung sakali, ayon kay Limcaoco, ang planong boykot ay maiging hudyat pa ng 13-0 boto pabor sa mga kandidato ng administrasyon.

Sinabi naman ni Pimentel na hindi maaaring pilitin ang sinumang mambabatas na dumalo sa special session pero pinaalalahanan niya ang mga ito na tungkulin nilang talakayin ang anumang panukalang-batas.

Binanggit pa ni Pimentel na 12 senador na ang nagtiyak na dadalo sila sa sesyon kaya hindi siya nababahala na hindi matatalakay ang naturang isyu.

Samantala, muling ginamit ng pamunuan ng House of Representatives ang tinatawag na telephone brigade para masabihan ang lahat ng miyembro nito na dumalo sa special session sa Lunes.

Sinabi ni House secretary-general Roberto Nazareno na maraming kongresista ang kumumpirmang dadalo sila sa sesyon kaya malaki ang posibilidad na mabuo ang quorum.

Hinikayat din ni dating Speaker Manuel Villar ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso na dumalo sa sesyon para matiyak ang tagumpay nito. Idiniin ni Villar na ito lang ang paraan para makaboto ang mga kabataang nabigong makapagrehistro sa Commission on Elections. (Ulat nina Doris Franche at Malou Rongalerios)

DORIS FRANCHE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LIMCAOCO

MALOU RONGALERIOS

PEOPLE POWER

PEOPLE POWER COALITION SPOKESPERSON DODI LIMCAOCO

ROBERTO NAZARENO

SENADOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SENATE PRESIDENT AQUILINO PIMENTEL JR.

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with