^

Bansa

VP Sara, muling hinimok na tumestigo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
VP Sara, muling hinimok na tumestigo
Philippine Vice President Sara Duterte gestures as she leaves the Hall of Justice in Quezon City, Metro Manila on September 11, 2026.
AFP / Jam Sta Rosa

Sa nalalapit na pagtatapos ng trial

MANILA, Philippines — Muling hinimok ng da­lawang lider ng Kamara si Vice President Sara Duterte na tumestigo sa witness stand habang nalalapit na ang pagtatapos ng impeachment trial laban sa kanya sa Senado.

Sa isang press ­briefing, nagpahayag ng pag-asa sina Deputy Speakers Janette Garin at Jefferson “Jay” Khong­hun na mahihikayat ng mga abogado ng Bise Presidente na personal na magpaliwanag hinggil sa mga alegasyon ng umano’y hindi maipaliwanag na yaman na nagkakahalaga ng P817.87 milyon.

Ayon kay Garin, si Duterte ang nasa pinakamainam na posisyon upang sagutin ang mga isyung may kinalaman sa mga rekord na pinansyal na iniharap sa paglilitis. Aniya, nahihirapan na rin ang depensa sa pagpapaliwanag ng mga magkakasalungat na datos.

“Sa totoo lang, we also empathize. Siyempre, kawawa din ’yung depensa kasi napakahirap talagang sagutin ’yung mga hindi nagtutugmang numero,” punto ni Garin.

Nauna nang tumestigo ang forensic financial expert na si Atty. Ale­xander Cabrera na may natukoy na hindi bababa sa P817.87 milyong umano’y hindi naideklarang ari-arian at hindi maipaliwanag na yaman na may kaugnayan kina Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio mula 2022 hanggang 2025.

Samantala, sinabi ni Khonghun na tila nauubusan na ng paliwanag ang depensa sa mga rekord at dokumentong iniharap sa impeachment court. Binanggit din niya ang hindi pa umano nali­linawang mga isyu kaugnay ng Cale88 Foods Corp., isang kumpanyang nakapangalan kay Carpio.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with