^

PM Sports

Eala magdaraos ng tennis clinic

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makiki-hataw si Alex Eala sa mga pambatong kabataang tennisters bilang bahagi ng kanyang homecoming matapos ang makasaysayang season sa WTA.

Bagama’t kakarating lang ni Eala sa bansa kamakalawa, walang pahi-pahinga para kay Eala na magdaraos ng sports clinic para sa mga kabataang atleta sa Pasig Central Elementary School sa Martes kasama ang Milo at Department of Education sa pangunguna ni Sec. Sonny Angara.

Pinamagatang “Alex Eala Homecoming: Great Things Start From Small Beginnings”, bahagi ito ng programa ng Milo at ng DepEd para sa sports grassroots development program na sa pagkakataong ito ay tututok sa tennis.

Matatandaang nanggaling din dati si Eala sa Milo sports programs bago sumubok sa Spain upang mag-aral at magsanay sa Rafael Nadal Academy.

Balik-bansa siya nga­yon bilang world No. 15 na siyang pinakamataas sa kanyang papa-angat palang ng karera, para sa Philippine tennis at Southeast Asian tennis.

Nakamit ito ni Eala matapos ang kauna-unahang WTA Tour title sa Washington, sahog ang 125-level na korona sa Birmingham, 3rd round sa US Open at 4th round sa Wimbledon tampok ang pagsibak kay Iga Swiatek ng Poland mula sa trono bilang reigning champion.

Sa katunayan ay makakatalon nang mas mataas sa world rankings si Eala subalit nagtamo ng knee injury sa huling torneo para sa season nitong buwan tungo sa 6-3, 6-0 kabiguan kontra kay Claire Liu ng USA sa finals ng Hong Kong Open.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with