Desisyon sa VP Sara trial target sa Nobyembre - Gatchalian
MANILA, Philippines — Tinatarget ng Senate impeachment court na ilabas ang desisyon sa kaso ni Vice President Sara Duterte bago matapos ang Nobyembre.
Ito ang sinabi nitong Linggo ni Senate President at senator-judge Sherwin Gatchalian dahil sa tingin niya ay aabutin na lang ng 30 hanggang 45 araw ang pagdinig bagaman at magkakaroon ng dalawang linggong break ang Senado sa huling bahagi ng Oktubre.
“Siguro mga mid-November to end of November [posibleng matapos ang impeachment trial at makapaghatol kay VP Duterte]. Tingin ko,” wika ni Gatchalian.
Katulad ng unang inihayag ng tagapagsalita ng impeachment court na si Reginald Tongol noong Biyernes, inulit ni Gatchalian na layunin nilang matapos ang impeachment proceedings bago ang Pasko.
Pero maaari aniyang mas maaga itong matapos dahil sa mga pagbabagong isinagawa kamakailan.
Kasalukuyang tinatalakay ng Senate impeachment court ang Article 2 ng Articles of Impeachment na tumutukoy sa hindi maipaliwanag na yaman ni Duterte.
- Latest




















