^

PSN Showbiz

Paulo ipinagmamalaki ng nanay ng GF na si Natasha Villaroman!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa Facebook post ng mom ni Natasha Villaroman na si Jade Ecleo, nalaman na sa Amanpulo sa Palawan na nagbakasyon ang anak at si Paulo Avelino. Kaya naman napa-post ang mom ni Natasha para ipagtanggol ang anak sa bashers.

Bago ang picture nina Paulo at Natasha na umikot sa social media, nangyari kaya ito after ng presscon ng The Unmarried Wife na ayaw pag-usapan ng aktor si “Tasha” dahil hindi raw showbiz at nakakahiya sa pamilya nito.

Dahil sa post ni Jade na ipina-delete ni Natasha, nalamang hindi lang “friends” sina Paulo at Natasha.

“My lovely daughter and I’m proud to say my BEAUTY and BRAIN daughter Natasha Villaroman is having fun in #AMANPULO with this very humble, ordinary but with a pure heart, a good soul, a good guy, Pau... Sana pala kinunan nyo ng picture si Mureal (my daughter’s bodyguard) para yang mga chismosas/bashers/INGGITERAS, malaman nila may bodyguard kayong kasama.

“Love you both and continue to enjoy each others company. After all, we are equal in the eyes of GOD. Yang mga nanghuhusga sa anak ko, SUS, magkita kita tayo sa Impyerno. SO LEAVE THEM BOTH ALONE Bashers???!!!”

Nag-post din si Natasha na parang kinu-confirm ang relasyon nila ni Paulo: “Thank you mom Jade for everything. I know everyone’s intention was good and I appreciate that so much. But Pau and I would rather keep things private from now on to protect whatever we have. Thank you for the warm support.”

Read between the lines na lang tayo sa post ni Natasha lalo na sa part na “Pau and I would rather keep things...” at nasagot ang tanong nating lahat.

Janine ini-stalk ni Jeron?!

Nanggulat si Janine Gutierrez sa picture niyang suot ang costume ni Agua sa Encantadia dahil ang sexy nito at kita ang curves ng katawan pati ang abs. Pati siguro bashers ni Janine nagulat nang makitang may magandang katawan na ipagmamalaki ang aktres.

Kabilang sa nag-like sa picture ni Janine na naka-sexy costume ay si Coleen Garcia, at Kapuso stars. “Hot” at “Sexy” ang reaction nila kay Janine at may mga nagtanong kung bakit ngayon lang nito inirampa ang katawan.

Naintriga lang ang netizens dahil ni-like ni Jeron Teng ang picture ni Janine though hindi ito nag-comment pero nag-thumbs up sign. Umandar tuloy ang imahinasyon ng netizens.

Sa interview kay Janine, inaming nagulat siya sa costume. Na-pressure raw siya, pero hindi nagreklamo dahil kambal diwa ni Alena (Gabbi Garcia) ang role niya at dapat, kasing-seksi rin siya ng mga Sang’gre.

Kahit guest role lang si Janine sa Encantadia at pasulput-sulpot ang karakter, masaya na rin siya dahil fan siya ng fantaserye at dream niyang mapasama rito.

Jennylyn hindi pa tanggap ang pagkamatay ni Mommy Lydia

Maraming pinaiyak si Jennylyn Mercado sa post niyang picture ng isang bata na natutulog sa loob ng drawing nito ng isang babae. Ang caption ni Jennylyn sa picture ay “I miss you Mama...” na ang tinutukoy ay ang adoptive mother niyang si Mommy Lydia na pumanaw kamakailan lang.

Marami pa rin ang nagpaabot ng condolence kay Jennylyn at karamihan ay pinayuhan siya to be strong at isipin ang anak niyang si Jazz na sa kanya na lang huhugot ng lakas.

Kahit nakangiti, kita ang lungkot sa mga mata ni Jennylyn sa pagkawala ni Mommy Lydia. Of course, may mga taong nagmamahal sa kanila ng anak.

Nagtatanong pala ang fans ni Jennylyn kung kailan ito bibigyan ng teleserye ng GMA-7. Malapit nang matapos ang Superstar Duets na hinu-host nito at wala pang balita kung ano ang kasunod niyang project.

vuukle comment

NATASHA VILLAROMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with