^

PSN Showbiz

Cherie umiral na naman ang kamalditahan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang ganda ng full trailer ng Sirkus, ang telefantasya ng GMA 7 na mapapanood tuwing Linggo simula sa January 21.

Sa totoo lang, parang isang glossy movie ang quality ng Sirkus dahil bongga ang mga special effect.

Ramdam na ramdam ko na magki-click sa mga bagets at sa matatanda ang Sirkus, base sa trailer na napanood ko.

Starring sa Sirkus sina Mikee Quintos, Mikoy Morales, Klea Pineda, Andre Paras, Zoren Legaspi, Chariz Solomon, Sef Cadayona, at Cherie Gil.

Ipinagmamalaki ni Cherie ang Sirkus dahil bonggang-bongga rin ang karakter na ginampanan niya. Si Cherie ang main villain pero siya ang may pinaka-challenging role at mahaba ang exposure.

Sef tikom pa rin ang bibig sa kanila ni Maine

Natawa si Sef Cadayona nang tanungin siya sa presscon ng Sirkus tungkol sa lovelife niya.

Matipid ang sagot ni Sef na hindi na biktima ng bashing, hindi kagaya noong 2017 na bugbog-sarado siya sa mga basher dahil sa tsismis na secret girlfriend niya si Maine Mendoza.

Kusang namatay ang isyu dahil walang inamin sina Sef at Maine.

Pero kinaiinggitan si Sef ng mga mhin dahil mga seksi at sikat ang girls na nali-link sa kanya like Andrea Torres and si Maine nga.

Hindi natin masisisi kung napa-fall kay Sef ang mga kababaihan dahil type na type nila ang malakas na sense of humor ng young comedian.

Michelle Ortega bongga, ninong sa kasal si Pres. Duterte

Habang binabasa ninyo ito, nasa Baguio City na ako para sa kasal ni Michelle Ortega sa kanyang fiancé na isang military man.

Nakatakda ngayong hapon sa Baguio City ang pag-iisang dibdib nina Michelle at Greg na sasaksihan ng kanilang pamilya at close friends.

Siyempre, kasali ako sa listahan ng mga principal sponsor at excited ako dahil ninong din si President Rodrigo Duterte.

Wish ko lang, makapagpa-selfie ako kay Papa Digong dahil first time na magkikita kami nang personal.

Talagang kukulitin ko ang bride at groom na ipakilala ako kay Papa Digong para makapag-request ako ng selfie picture.

Sure naman ako na papayag si Papa Digong dahil very accomodating ito at nakikita ko na sanay na sanay siya sa mga selfie na madalas na request ng fans na nakakasalamuha niya.

Michele Gumabao nabago ang plano

Kasali pala sa Bb. Pilipinas 2018 si Michele Gumabao, ang sikat na volleyball player na anak ni Dennis Roldan.

Nang pumirma si Michele ng kontrata sa Viva Artists Agency noong nakaraang taon, ang pagsali niya sa mga beauty pageant ang inusisa ng mga reporter dahil pam-beauty queen ang kanyang height at mukha.

Hindi nagpakita ng interes si Michele na mag-join sa mga beauty contest kaya marami ang nagulat nang pumutok ang balita na sasali siya.

Suportado ng volleyball community ang desisyon ni Michele na subukan ang kapalaran sa Bb. Pilipinas.

Confident ang fans ni Michele na magkakaroon ito ng beauty title dahil mahigit sa apat ang korona ang mapapanalunan ng mga lucky contestant.

Mahigpit ang kumpetisyon sa Bb. Pilipinas 2018 dahil sa pagsali ni Miss World Philippines 2016 Catriona Gray na talent din ng Viva Artists Agency. 

Ewan ko lang kung itutuloy na ni Michelle Dee ang long overdue na pagsali sa Bb. Pilipinas Si Michele ang beauty queen material daughter ni Melanie Marquez at ng former actor na si Derek Dee.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with