^

PSN Showbiz

Vic, Vice, at Coco inaasahang mag-uumpugan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ngayong buo na ang walong official entries sa 2017 Metro Manila Film Festival, kani-kanyang hulaan na kung alin sa walong pelikula ang pasok sa Top 5.

Tiyak daw na magiging mahigpit na namang mag­ka­laban sa takilya ang mga pelikula nina Vic Sotto at Vice Ganda at hindi rin magpapahuli ang movie ni Coco Martin ganun din ang entry ng Regal Films, ang Haunted Forest. Tiyak din hindi patatalo ang Derek Ramsay at Jennylyn Mercado movie na All of You.

Paano naman ang Siargao ay pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Erich Gonzales at Jasmine Curtis-Smith. Ang Deadma Walking nina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa at ang Ang Larawan nina Rachel Alejandro, Joana Ampil at Paulo Avelino?

Kring-Kring solong nag-guest sa mga lola

Hindi natuloy ang guesting ng mag-inang Kring-Kring Gonzales-Romualdez at Sofia Gonzales Romualdez na magkasama sa daily morning talk show na The Lolas Beauty Show hosted by Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros dahil sa conflict ng kanilang schedule.

Si Kring-Kring ay kasalukuyang alkalde ng Tac­loban City at kailangang lumipad from Tacloban to Manila habang si Sofia naman ay nag-aaral bukod pa sa busy ito ngayon sa recording ng kanyang debut album under Viva Records. Kaya ang nangyari ay solo na nag-guest si Kring-Kring who had a blast dahil sa saya ng prog­rama ng tatlong lola.

Ang guesting ni Kring-Kring ay mapapanood sa November 28 sa The Lolas Beauty Show, ang pre-programming show ng Eat Bulaga on GMA na produced by Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.).

Lani positibo sa paglaya ni Bong

Sandali naming nakakuwentuhan si Lani Mercado sa taping ng The Lolas Beauty Show sa Shooting Gallery Studio in Makati habang naghihintay ito sa pagisisimula ng programa.

Hindi nito ikinakaila na patuloy umano siyang umaasa at nagdarasal sa tuluyang paglaya ng kanyang mister na si Bong Revilla na mahigit tatlong taon nang naka-detain sa Custodial Center ng Camp Crame.

Magmula nang lumaya ang best friend ni Bong at dati ring senador na si Jinggoy Estrada, lalong naging malungkot ang kalagayan ni Bong dahil wala na itong kasama, karamay at kakuwentuhan sa loob ng detention cell.

Ganun pa man, sa kabila ng pinagdaraanan ni Bong at ng pamilya, nana­natili pa ring matatag ang misis nitong si Lani na hindi lamang ang obligasyon bilang maybahay at ina ng kanilang mga anak ang kanyang hinaharap kundi pati na rin ang challenge bilang alkalde ng Bacoor City.

Ultimo ang dating senador ay saludo sa kanyang misis dahil kaya nitong gampanang mag-isa ang mga bagay na dapat sana’y silang dalawa ang nagtutulungan.

Ang nakakabilib pa kay Lani, strong ang pana­nampalataya nito sa Itaas at napaka-positibo ng pa­na­naw nito sa buhay kaya kinakaya niya kahit ang mabibigat na pasanin sa kanyang mga balikat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with