^

PSN Showbiz

Assunta umaming maraming sakit kaya hindi nabubuntis, Jay handang pa-tokhang!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Wala pang playdate ang pelikulang Higanti ng Gitana Films, pero ang plano ng mga producer, isali sa 2016 MMFF ang action/drama movie na tinatampukan nina Jay Manalo at Assunta de Rossi sa directon ni Rommel Ricafort. Dahil din sa balak na pagsali sa MMFF, mauunang ipalabas sa ibang bansa ang nabanggit na pelikula.

Sa first week ng November, ipalalabas sa Hong Kong ang Higanti at susunod ang showing sa Japan, Singapore at ibang Asian countries na may OFW. Sa end ng November, sa Milan ito ipapalabas. Magkakaroon din ng screening sa Dubai, Middle East at sa marami pang bansa.

Kasama sina Jay at Assunta sa international screening ng Higanti dahil sabi ni Direk Rommel, mas gugustuhin ng mga OFW na mapanood ang pelikula kung present ang cast.

Thankful si Direk Rommel sa kanyang producer dahil hindi tinipid ang budget sa movie mula sa cast at location. May mga eksena pang ginamitan ng drone shot at pati temang politics na napapanahon din. Ginagampanan ni Jay ang role ng isang politician at misis niya si Assunta. Mistress ni Jay si Katrina Halili at maraming pagdadaanan ang kanilang karakter. Baka nga may magreklamo dahil “Leni” ang pangalan ni Assunta sa movie at mabuti na lang at hindi “Rody” o “Digong” ang pangalan ng karak­ter ni Jay.

Anyway, natanong si Jay sa drug testing sa mga celebrity at willing siyang magpa-drug test. Hindi rin siya takot sa Operation Tokhang dahil walang makikitang illegal na kung anuman sa bahay niya.

Nabanggit naman ni Assunta na pa­ hi­nga muna siya sa paggawa ng tele­serye dahil gusto na nilang magka-baby ng asawang si Jules Ledesma. In fact, galing ang mag-asawa sa Amanpulo, Palawan for another honeymoon. Kahit ano gagawin niya para magka-baby na sila.

“I’ll do anything kahit magpa-sex change ako o in vitro fertilization, basta magka-baby na kami. Ako ang problema dahil inverted ang uterus ko, may myoma at endometriosis ako. Pero may paraan para maalis ang marami kong sakit at blessed lang kami dahil we can afford the medical procedure na gagawin sa akin,” sabi nito.

Regine kakanta ng libre para sa kaibigang may sakit

Kabilang si Regine Velasquez sa magpe-perform sa benefit concert para sa komedyanang si Tetay na hindi sinabi kung ano ang karamdaman. Kundi kami nagkakamali, nakasama ni Songbird si Tetay sa Poor Señorita at nag-guest na rin sa Sarap Diva kaya friends sila.

Ito ang maganda kay Regine, hindi lang pinu-promote ang shows/movies/concerts ng ibang artists, nagpe-perform din siya ng libre. Hindi na niya kaila­ngang sabihan dahil ‘pag nalamang may na­nga­­ngailangan ng tu­long, siya pa ang nagbu-volunteer.

Samantala, hit sa IG ang pinost ni Regine na dance number ng mag-ama niyang sina Ogie at Nate Alcasid. Hindi nagpatalo si Nate sa ama at tawang-tawa naman si Regine. Pati si Martin Nievera ay napa-comment sa video na umabot na sa 89,440 ang views.

 Revelation kay Jennylyn Mercado at kina Christian Bautista at Aicelle Santos, host at judges respectively ng Superstar Duets si Joross Gamboa. Hindi nila alam na nakakakanta pala si Joross at pang-rockstar pa ang boses.

May bago nang ka-duet ang contestants ng Superstar Duets this Saturday at natoka kay Joross ang impersonator ni Bon Jovi. Ang una nilang kakantahin ang It’s My Life at dasal nito, hindi muna siya matanggal dahil gusto niyang maka-duet ang impersonator ni Freddie Mercury ng Queen.

Boobs ni Andrea isinumbong sa MTRCB

Grabe ang reaction ng netizens sa pinost ni Andrea Torres na pictures sa Instagram na naka-two-piece sa eksena sa Alyas Robin Hood. Majority sa comments ay positive, pero may mga basher pa ring nakalusot na kesyo, fake ang boobs ni Andrea at may nanawagan pa sa MTRCB dahil may mga batang viewers.

Matagal nang sinabi ni Andrea na natural ang boobs niya at ginawa niya ang eksena dahil kailangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with