^

PSN Showbiz

Heart handa na uli kay Jericho!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Limang taon na ngayong nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency si Heart Evanglista. Masayang-masaya naman daw ang aktres sa ginagawang pag-aalaga sa kanya ng nasabing talent management. “I’ve been very happy with Viva. Our professional relationship has been very productive,” bungad ni Heart.

Exclusive ang kontrata ng aktres sa GMA pero maaari namang gumawa ng pelikula sa Star Cinema kung gugustuhin ng Viva. Wala raw problema kay Heart kung muli silang magkatambal sa pelikula ng dating kasintahan na si Jericho Rosales kapag mabibigyan ng pagkakataon. “Kahit ano na lang ang ibigay sa akin. I’m really okay. Of course, ang tanong willing ba sila?” natatawang pahayag ng aktres.

“I have no problem. Pagdating kay Chiz (Escudero, asawa ng aktres), he has no problem din. You know, at the end of the day we’ve got bills to pay. So we’ve got to be practical,” makahulugang pahayag ni Heart.

Hindi na raw muli pang nagkita at nakapag-usap sina Heart at Jericho matapos ang kontrobersyal na hiwalayan maraming taon na ang nakalilipas. “Hindi na kasi kami nagkita eh. Okay lang naman siguro, pero I don’t know, ask him. I’ve been okay, it’s not an issue, no issue,” giit ng aktres.

Masaya rin si Heart sa estado ng buhay ng aktor ngayon. “Masaya ako para sa kanya. May family na rin siya. At saka we didn’t have a problem with each other naman talaga. It’s a known fact that it was my parents that didn’t want us together, so I don’t at all hate him. I got married, he got married, that’s good enough closure,” pagtatapos ng aktres.

Solenn ibinahagi ang mga karanasan sa pag-aasawa

Kamakailan ay nagpakasal na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Pagkatapos ng ilang linggong bakasyon ay balik-trabaho na ang aktres at abala na para sa kanyang pangatlong album. Nagsimulang gumawa si Solenn ng album noong 2011 at nasundan ng isa noong 2013. “We have been working on this album since last year, but we decided to release it now, as I begin a new stage in my life,” nakangiting pahayag ni Solenn.

Tungkol sa iba’t ibang karanasan sa buhay ng sexy actress ang nilalaman ng bago niyang album. Sigurado raw si Solenn na marami ang makare-relate na mga tagahanga sa mga kanta niya sa album. “It’s my way of expressing how I felt when I was going through these stages. That for me makes this album quite unique. I have been through a few different type of relationships, and now that I am settled, I feel more comfortable in sharing what I have learned from them,” paliwanag niya.

“I love that I have more Tagalog songs and that these are more suitable to my voice range. My voice isn’t one to belt, and these songs got that,” pagbabahagi pa ni Solenn.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with