^

PSN Showbiz

James gustong maging Pedro Penduko!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Photographer ang dating ni James Reid sa press launch ng Fujifilm cameras dahil may naka-hang na Fujifilm X-T2 camera sa neck niya. Tuwing may nagtatanong sa kanya about photography, he points to the camera.

Sabi pa ni James, ang girlfriend na si Nadine Lustre raw ang naghikayat sa kanya ng photography at hindi siya nagsisi.

End of last year daw niya nadiskubre ang photo­graphy using a different camera brand, pero ang Fujifilm ang nagustuhan niya. Marami na si­yang nakunang pictures sa travel nila, landscape at kung anu-ano pa.

Ang pinaka-favorite subject niya ay si Nadine lalo na kung natutulog ito. Paulit-ulit ding “My girlfriend” ang tawag ni James kay Nadine.

Sa tanong ng press people if he’s a good photographer? “People say I have good eye,” ang sagot ni James.

Marami raw siyang kuhang pictures sa Santorini, Greece na location nila ni Nadine ng Till I Met You ng ABS-CBN. Gandang-gandang siya sa lugar at sa sunset, sayang lang at hindi niya naipakita sa press ang mga kuha niyang pictures doon.

Samantala, nabanggit ni James na gusto niyang i-try gumawa ng fantaserye at nabanggit ang Pedro Penduko. “It would be fun doing a super natural role. I’d like to try fantasy.”

Natanong din pala si James sa lumabas na picture nila ni Nadine with Nadine’s family and his family. Birthday daw ‘yun ng mom ni Nadine at first time ma-meet ng sister niyang si Lauren ang family ni Nadine at masaya raw ang gabi. Wala siyang birthday gift sa mom ng GF, pero may pasalubong siyang perfume noong galing sila sa Greece.

Julie Anne hindi na inililihim ang relasyon nila ni Benjamin

Tuloy sa Sunday PinaSaya si Julie Anne San Jose at tuloy ang pagiging Kapuso talent niya dahil nag-renew siya ng kontrata sa GMA Network good for another three years. Mali ang balitang aalis sa home network niya si Julie Anne para lumipat sa ibang network. Hindi nga ito aware na may kumalat na balitang aalis siya sa GMA 7 dahil wala siyang kabalak-balak.

Hindi raw niya inisip na lumipat lalo’t homegrown talent siya ng network. Masaya siya sa istasyon. Tanggap niya ang projects na ibinibigay sa kanya. Tanggap din niya ang kanyang bashers na wala nang ginawa kundi abangan ang mga kilos, ayos at sasabihin niya.

Bukod sa SPS, mapapanood si Julie Anne sa isang afternoon soap na inihahanda na at looking forward siyang muling umarte. Wala pa siyang idea kung sino ang kasama sa cast at kung pagtatambalin sila ng suitor niyang si Benjamin Alves.

Ano na pala ang status nila ni Benjamin at ano ang reaction niya nang tawagin siya nitong “my girl?”

“Pareho kami ng sinasabi na ‘what you see is what you get’ at wala kaming itinatago. We are exclusively dating and it was nice of him to defend me sa bashers, pero ako hindi nagpapadala sa bashers. Opinion nila ‘yun.”

Sa tanong uli kung si Benjamin ba ang magiging first boyfriend niya? Tungkol sa commitment at relationship ang sagot ni Julie Anne.

Pinaaabangan ni Julie ang production number nila sa SPS sa two-part birthday celebration ng show sa September 4 and 11.

Joross nainggit sa mga love scenes ni Dennis

Mag-i-spoiler kami at ibubuking na si Joross Gamboa bilang si Bob sa Juan Happy Love Story ang totoong nakabuntis kay Aga­tha (Kim Domingo).

Pero may konting reklamo si Joross, wala man lang daw silang love scene ni Kim at kissing scene lang ang ipinakita, tapos palalabasin na lang na nabuntis niya ito.

Unfair daw kay Joross dahil si Dennis Trillo bilang si Juan ay katakut-takot ang love scene at bed scene kay Kim, pero hindi nito nabuntis si Agatha, pero siya, kiss lang ang ipinakita, nabuntis na agad si Agatha.

Pero nagbibiro lang si Joross dahil mahal daw niya ang show, mahal niya ang co-stars niya rito at mahal ang karakter niyang si Bob. Ayaw pa nga niyang magtapos ang Juan Happy Love Story na ending na sa September 2.

Dagdag pa ni Joross, mahal niya ang GMA 7 at gusto na nga niyang mag-apply sa creative team. Gusto rin niyang makatrabaho si Michael V na idol niya at nagpatulong para makapag-guest sa Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Sa GMA-7 pa rin ang next show ni Joross dahil isa siya sa contestants sa Superstar Duets at si Adele ang makaka-duet niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with