^

PSN Showbiz

Jerome gustong gayumahin si Erich

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula na noong Linggo ang Wansapanataym Presents Candy’s Crush na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Loisa Andalio.

Hindi raw inakala ni Jerome na makakatambal niya ang aktres sa nasabing TV series. “Kuya pa nga ako ni Loisa no’n. Hindi ko ini-expect, ibang tao ang ini-expect ko for her. Nagulat ako siyempre kasi alam naman po ng lahat na siya ay 17 years old, ako 21,” natatawang pahayag ni Jerome.

Aminado ang aktor na matagal na niyang crush si Loisa at nasubaybayan niya ito noon pa man. “Noong PBB (Pinoy Big Brother) days, may pag­hanga na. Tapos, siyempre, alam kong nandiyan si Joshua (Garcia,katambal ni Loisa noon), naging kulitan, friends. Hindi naman din po kasi ako ‘yung parang nando’n ‘yung utak ko sa crush ko, ipupursige ko o ano. Nando’n ako sa ine-enjoy ko ‘yung araw-araw kong trabaho. Eto, katrabaho ko siya, e-enjoy-in ko lalo,” pagbabahagi ng aktor.

Tungkol sa gayuma ang tema ng nasabing programa at kung sakali man at may gusto raw paggamitan si Jerome nito sa totoong buhay. “Actually, alam naman nating lahat na hindi totoo ang gayuma. Masyadong malakas ang nararamdaman ng isang tao para gayumahin pa. Pero given the chance, siyempre ‘yung crush ko, si Ate Erich (Gonzales). Gagayumahin lang para siyempre makausap lang, kwentuhan. Pero wala akong ibang intension,” pagtatapat ni Jerome.

Ejay napahanga sa kasimplehan at kalaliman ni Ritz

Kababalik pa lamang ni Ejay Falcon sa bansa mula sa kanilang taping sa Europe para sa teleseryeng The Promise of Forever. Masayang-masaya ang aktor dahil ngayon lamang daw niya napuntahan ang mga lugar gaya ng Netherlands, Amsterdam, Poland, Czech Republic at Belgium.“Masayang experience, bagong leading lady, lahat bago ang katrabaho ko and ‘yung location namin. Lahat ng napupuntahan ko parang naiintriga ako kasi first time ko napuntahan,” nakangiting bungad ni Ejay.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatambal ng aktor si Ritz Azul na kalilipat lang sa Kapamilya network. “Si Ritz sobrang simpleng babae lang talaga na magaling umarte, and talagang malalim na tao pero simple,”paglalarawan ni Ejay kay Ritz.

Una nang lumabas sa teleseryeng Ang Probinsyano kamakailan ang aktres at ngayon ay magbibida na sa sariling soap opera ng ABS-CBN.

Samantala, bukod sa The Promise of Forever ay isang reunion project daw ang nakatakdang gawin ni Ejay kasama sina Jake Cuenca at Joseph Marco na nakasama na niya noon sa Pasion de Amor.

Ayon kay Ejay ay may komunikasyon pa rin silang tatlo kahit matagal nang tapos ang kanilang serye. “Kaming tatlo kasi kahit wala na ang show na Pasion de Amor, nag-uusap kami. Sobrang solid kaming magkakapatid,”pagbabahagi ng aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with