Sharon mas mabenta sa The Voice Kids!
May sumali sa The Voice Kids 3 na bukod sa inikutan ng tatlong coaches nung audition ay talagang mukhang artistahin pa. Sana lang ay marunong siyang umarte para kung Luz Valdez (matalo) siya sa pagkanta ay makuha naman siyang artista.
With Sharon Cuneta as one of the coaches, mas nabigyan ng puso ang contest, at sumaya pa. Pero, true to her promise, hindi lang puso ang gamit ni Mega sa pagpili ng gusto niyang i-mentor, talagang naghahanap na siya ng marunong kumanta at pwedeng ipangtapat sa mga naipanalo na nina Bamboo at Lea Salonga.
Fortunately, mas dumami na ang mga batang gumaling na sa pagkanta at maski sila ay naghahanap rin ng gusto nilang coach. Swerte ni Mega, marami ang pumipili sa kanya.
Pero, magaling din ang Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime. Malaking hatak ‘yung ginawang pagsali at panalo ng isang beauty pageant winner.
Bihira na kasi yung kumbinasyong beauty and voice kaya marami ang naging interesado sa show at sa dalagang taga-Mindanao na sumali’t nanalo.
Maganda rin ‘yung bumubuo ng panel of judges, from Rey Valera to Louie Ocampo, Kyla, Yeng Constantino, Karylle, Mitoy Yonting, Nyoy Volante, Karla Estrada, Kaye Brosas and Billy Crawford. Kaswal lang sila at hindi pa-impress pero magaganda ang input sa mga sumasali.
Ryan marami nang offer sa Korea
After makilala dito sa Pilipinas bilang isang komikero, dumarami ang offer kay Ryan Bang ng sarili niyang bansa. May offer sa kanya ang sikat na Korean Broadcasting System (KBS) para sa isa na namang docu.
Nauna na niyang ginawa ang Screening Humanity at ngayon ay ang Civic News naman. Nagsimula na itong mapanood sa Busan na kung saan ay maraming Pinoy ang nagtatrabaho. Hindi lamang ang bansa niya ang ipino-promote niya sa dalawang docu niya kundi maging ang ‘Pinas. May dalawang programa pa sa KBS ang pinag-iisipan niya, isang morning show at isang teleserye.
Marami ang nag-aalala na baka dahil may pangalan na siya rito ay bumalik na siya ng Korea. Baka raw tulad ni Sandara Park ay iwan din niya ang bansa at dun na mag-concentrate sa Korea pero, sinabi ng napapanood sa Banana Sundae at It’s Showtime na hindi ito mangyayari. Gusto pa rin niyang makilala bilang isang dramatic actor at sa MMK (Maalaala Mo Kaya) niya ito nakikitaan ng katuparan.
Sen. Bong gustong gumawa ng pelikula
Balak pala ng nakakulong na si Sen. Bong Revilla na makagawa ng isang movie na kasama ang anak niyang si Vice Gov. Jolo Revilla. Bagaman at hindi nakadalo sa oath taking ng nakahiwalayan ni Jodi Sta. Maria.
Masaya na ang senador sa sinapit ng pamilya niya sa pulitika, mula sa asawang si Bacoor Mayor Lani Mercado hagggang sa mga kapatid niyang sina Cong. Strike Revillla at Councilor Rowena Revilla, at sa mga anak na sina Cavite Vice Gov. Jolo at ang namumuno sa opisina ni Mayor Lani na si Bryan Revilla.
Tommy at Miho ipu-push na rin ng Kapamilya
Kasalukuyan pa lamang nag-iinit ang tambalang Janella Salvador at Elmo Magalona sa seryeng Born For You pero agad ay may binubuo nang kasunod na loveteam ang ABS-CBN sa katauhan ng dalawang nanalo at nagpakitang gilas sa programang Pinoy Big Brother, sina Tommy Esguerra at Miho Nishida. Sa loob ng Bahay ni Kuya nagsimula ang closeness ng binatang lumaki sa Tate at ng dalagang ina na namumuhay ng masaya sa Japan kasama ang kanyang ina at anak.
Sana hindi pa ngayon maganap ang pagpapasya nina Tommy at Miho na magpakasal na para hindi masayang ang effort ng Kapamilya network at Regal Films na pasikatin sila bilang isang loveteam tulad ng KathNiel, LizQuen at JaDine.
Seryoso na sa relasyon nila ang dalawa lalo na si Tommy. Wala namang tutol dito si Miho. Magkasundo ang kanyang boyfriend at anak at boto rin sa binata ang kanyang ina.
- Latest