^

PSN Showbiz

Ayaw patalbog kay Daniel Kathryn gusto nang mag-concert, matatapos na rin ang album

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pinasok na rin ni Kathryn Bernardo ang mundo ng musika. Abala ngayon ang aktres para sa kanyang album na ginagawa. Mr. DJ ang isa sa mga kanta ni Kathryn sa album na unang pinasikat ni Sharon Cuneta noong dekada ‘80s. “Nag-shoot na ako ng dalawang music video. ‘Yung isa ‘yung Mr. DJ at You Don’t Know Me. Choice ng management ‘yung songs pero tinatanong din naman nila ako for this album. Kasi ipinagkatiwala ko muna sa kanila ‘yung lahat,” pahayag ni Kathryn.

Nagsimula sa show business ang aktres bilang child star at ngayon lamang daw pinasok ang pagkanta kaya masayang-masaya siya. “Masaya ako na nag-e-explore ako ng ibang craft ko naman siguro. Gusto ko rin naman maging open sa iba para hindi lang arte. Tapos nag-aaral din ako mag-dance, ganyan para flexible,” paliwanag ni Kathryn.

Talagang pinaghandaan ng dalaga ang paggawa ng album at sobrang tinutukan daw niya ang mga detalye nito. “Of course voice lessons and nagpa-practice ako kung saan-saan. Super hands-on ako. Talagang ‘yung mga ideas ko sinasabi ko sa kanila. Very personalized so sana ma-enjoy nila kasi it’s something new ‘pag nakita nila. Sa concert naman if ever magkaroon, hindi ko alam. Tingnan natin kung gusto nila,” natatawang pahayag ni Kathryn.

Suportado raw ng ka-M.U. (mutual understanding) na si Daniel Padilla ang dalaga sa pagpasok nito sa pagkanta. “Natutuwa naman siya sa akin ngayon. Very supportive naman siya sa akin now. Proud naman siya sa akin,” pagtatapos ng aktres.

Christian gusto na ring bumida sa London, ‘nainggit’ kina Mark at Rachelle Ann

Nakatakdang pumunta ni Christian Bautista sa London sa pagpasok ng 2015 upang suportahan ang mga kaibigang sina Rachelle Ann Go at Mark Bautista sa ginagawa nilang mga musical play doon. “Yes, I’ll be there in January, panonoorin ko silang dalawa. So I’m very excited, sana makakuha ng ticket kasi nagkakaubusan na raw. Bakasyon na rin, kailangan natin ‘yan,” bungad ni Christian.

Nangangarap daw ang singer na makapagbida rin sa isang musical sa Europe katulad ng mga kaibigan. “One of my dreams also na magkaroon ng the right role for me ang dadating din siguro sa tamang panahon. Siguro, ngayon wala pa, mag-focus muna ako dito sa Philippines. I am very happy with what I’m doing. Sana someday kung para sa akin ay maaabot ko ‘yun,” nakangiting pahayag ni Christian.

Samantala, hindi raw pinagsisisihan ni Christian ang pag-alis niya sa Kapamilya network at paglipat sa kabilang istasyon. “Hindi puwedeng magkaroon ng regrets. Talagang ‘pag nagkaroon ka ng isang desisyon, kailangan tuloy-tuloy mo ‘yun. Pero hanggang ngayon magkaibigan kami ng mga staff sa ASAP. Hanggang ngayon magkakaibigan kami sa mga dati kong kasama sa ABS-CBN,” giit pa niya.                             

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

CHRISTIAN BAUTISTA

DANIEL PADILLA

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

KNOW ME

TALAGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with