^

PSN Showbiz

Juday at Ryan dinadamayan si Sharon sa pinagdaraanan

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Dumarami ang bumi-BFF sa mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Una, sa kanila ipinagkakatiwala ng kanyang ina si Sarah Geronimo. Sa tuwing makikita sa labas sina Sarah at Matteo Guidicelli, asahan mong andun din ang mag-asawang Agoncillo.

Sa dinaranas na middle life crisis ni Sharon Cuneta ang mag-asawa ang kasa-kasama niya. To think na higit ang kabataan sa kanya ng kanyang mga BFF, pero malaki ang tiwala ng Megastar sa kanila. Pamilya na ang turing nito sa kanila. Kaya sila ang gustong kasama ni Sharon palagi. With them, gumagaan ang mga dalahin niya sa buhay at nabibigyan pa siya ng bagong pananaw sa buhay.

Loisa sinakripisyo ang medalya kay Daniel

Sa ipinamalas na generosity ni Loisa Andalio nang pagbigyan na maisuot ni Daniel Matsunaga ang ika-4 na medalyon na nakalaan para sa Top 4 ng PBB All In, sigurado ako na nakuha niya ang simpatiya ng mga manonood para naman ilagay nila siya sa posisyon bilang isa sa Top 4, kundi man bilang top winner. Mahirap ‘yung ginawa niya dahil atat din naman siyang manalo, pero ‘yung ipinamalas niyang unselfishness will go down sa history ng PBB bilang isa sa pinakamagandang gesture ng isang housemate. Kung sino ang magiging apat at finally ang mga mananalo ang siyang malalaman din bago pa dumating ang pinakahuling eviction na magaganap isang araw bago ang final night sa Linggo.

Boyet at Joel nagpapatalbugan

Akala ko ang galing-galing na ni Christopher de Leon nang una siyang lumabas sa Book 2 ng Ikaw Lamang, aba eh, ang galing-galing din ni Joel Torre. Nag-take over sila sa role nina Jake Cuenca at Coco Martin na unang lumabas bilang nakababatang Franco at Samuel. Wala kang itulak kabigin sa napakagrandyosong akting ni Boyet at sa napakamatahimik na pag-atake naman ni Joel ng kanyang role. Feel mo agad na magpapatalbugan sila ng pag-arte hanggang sa huling episode ng teleserye. Pinananabikan din ang paglabas ni Amy Austria bilang Isabel. Silang tatlo ang bubuo ng love triangle na maigting na nagsimula sa Book 1 at ipagpapatuloy sa ikalawang libro. Sa panig naman ng junior stars, nagsimula na ang tagisan nina Kim Chiu, KC Concepcion, at Coco Martin.

Thea kapos sa pagmamaldita!

Sa kabilang istasyon naman, sa panghapong programang The Half Sisters, mukhang kailangan pang mag-effort ni Thea Tolentino sa kanyang role bilang kontrabida kung gusto niyang hindi mapag-iwanan ng gumaganap ng role ng kanyang kapatid na si Barbie Forteza. Itinanghal na Best Supporting Actress ang dalaga sa katatapos na Cinemalaya Film Festival sa pagganap niya sa pelikulang Mariquina. Ang pananalo niya will boost her acting sa nasabing serye para mas kaawaan pa ng manonood na nagsisilbi namang dahilan para mas magalit pa ang manonood ng kanilang serye kay Ashley (Thea).

In fairness to Thea, bago pa itinanghal na Best Supporting Actress si Barbie ay hirap na siyang maging opposite ng kabaitan nito. Kailangang magpatuloy siya sa kanyang pagiging salbahe kundi mapapatungan ng mga luha ng character ni Barbie ang pagsisikap niyang maging epektibong kontrabida.

Marian maiiba na ang buhay ‘pag naging Mrs. Dantes

Hindi pa man nakakasal si Marian Rivera ay ibinababa na ng marami ang estado niya bilang artista. Kahit pa sinabi ni Dingdong Dantes na hindi niya ito pipigilan sa kanyang pag-aartista kahit na mag-asawa na sila. Sinabi naman ni Marian na isasakripisyo niya ang kanyang career para maging hands on wife sa aktor. Gusto na nila ng aktor na makabuo ng pamilya, kaya obvious na iisantabi muna niya ang kanyang trabaho sa showbiz para maging isang karaniwang asawa at ina ng kanilang tahanan. Kapag malaki-laki na siguro ang mga anak nila ay pwedeng balikan ni Marian ang kanyang career, pero siguro bilang host na lang. Hindi siguro siya papayagan ng kanyang mister na gumawa ng mga proyekto na tulad sa ginagawa niya ngayon, lalo’t kapag pumalaot na ito sa pulitika. It’s definitely goodbye na to showbiz to Mrs. Marian Rivera-Dantes.

vuukle comment

ALL IN

BEST SUPPORTING ACTRESS

BILANG

COCO MARTIN

KANYANG

NIYA

THEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with