PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kahit wala namang sinasabing may relasyon sila Lovi at Jake may LQ

Mukhang may LQ o lover’s quarrel sina Lovi Poe at Jake Cuenca dahil ilang araw nang nagde-dedmahan. Unang napansing hindi nagkikibuan ang dalawa sa last shooting day ng indie film nilang Lihis. Obvious ding mainit ang ulo ni Jake at kitang-kitang wala sa mood.

Sa pictorial nang nasabing pelikula noong Martes, dedmahan pa rin ang dalawa at pati si Isabelle Daza napansin ‘yun. Nahiya lang magtanong si Isabelle kay Lovi kung may problema ba silang dalawa ni Jake.

Mabuti at tapos na ang shooting nila, hindi na mamumurublema si Direk Joel Lamangan kina Jake at Lovi. Sa September pa ang showing ng pelikula.

Anyway, magti-taping na pala si Lovi ng docu-series ng GMA News TV na Titser  sa direction ni Alvin Yapan, director ng indie film na Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Sa July naman ang airing ng soap ni Lovi sa GMA 7 to be directed by Laurice Guillen. Hindi pa final ang title ng soap na ipapalit yata sa Mundo Mo’y Akin.

Kasama rin siya sa Sunday All Stars at sila nina Heart Evangelista at Carla Abellana ang latest na in-announce na kasama sa Sunday show na ilu-launch sa June 16.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Agot naka-sideline pa rin sa GMA kahit bumalik na sa ABS-CBN

Kasama sa cast ng Titser si Agot Isidro sa role ng isa ring teacher na mentor nina Lovi Poe at Mara Lopez.

Puwede raw hindi gawin ni Agot ang project dahil tapos na ang kontrata nito sa GMA Network, pero sinubukan nitong magpaalam sa ABS-CBN at kay Deo Endrinal at pinayagan dahil docu-series at hindi sa GMA 7 ang airing.

 Walang conflict ang Titser  sa Muling Buksan ang Puso, ang bagong soap ng ABS-CBN kung saan kabilang sa cast si Agot.

Kuh hanggang 12 lang ang taping

Iba talaga si Kuh Ledesma dahil pagpasok pa lang sa stage nang ipakilala bilang isa sa cast ng My Husband’s Lover, na-starstruck ang press. Diva na diva ang dating ng Pop Diva at ‘di alam ng press kung papalakpak o titingnan na lang siya.

Balik-TV acting dito si Kuh at ginagampanan ang role ni Elaine, mother ni Vincent (Tom Rodriguez) at mother-in-law ni Lally (Carla Abellana). Pinush daw siya ng manager niyang si Arnold Vegafria na balikan ang acting at dahil maganda ang project, totoong nangyayari at maraming matututunan ang viewers, kaya kanyang tinanggap.

May cut off si Kuh, dapat up to 12 mn lang siyang magti-taping dahil may concert siya, may ministry at may corporate shows, pero dahil nagsisimula pa lang ang taping, nag-i-extend siya up to 2 am. Kapag regular na ang taping days, susundin na ang cut off niya.

Ang original  song ni Kuh na One More Try ang theme song ng My Husband’s Lover, bagong recording ito dahil three days before the presscon lang niya ni-record. Una niyang ni-record ang nasabing song 30 years ago pa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: