PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kung dati isaw at softdrinks lang ang pang-date Coco may pera na pero wala namang oras makipag-date

Nag-enjoy si Coco Martin sa shoot ng TV ad nila ni Cong. Sonny Angara sa UP Diliman, Quezon City da­hil maraming memories ang bumalik sa kanya noong hindi pa siya artista at wala pang pera. Sa Sun­ken Garden daw niya dinadala ang date niya at solved na sila sa isaw at softdrinks habang nagkukuwentuhan.

Ang irony nga lang, may pera na si Coco, kaya nang dalhin ang date sa mamahaling resto, pero wala siyang love life. Walang time ma-in love at makipag-date ang leading man ni Julia Montes sa Valentine’s Day movie ng Star Cine­ma na A Moment in Time, showing sa Feb. 13.

Ang schedule raw niya ay shooting ng movie, taping ng Juan dela Cruz at bahay na. Maligo, matulog, at balik sa trabaho. Pero walang reklamo ang aktor dahil ginusto niya ito at ipinagpapasalamat. Alam niyang hindi siya forever artista, kaya habang may trabaho, ito ang gagawin niya dahil gusto niyang magtagal sa showbiz.

“Balang-araw, puwede akong magdirek. Gusto kong matuto at alam kong darating ang araw na ’yun,” pangako nito.

Samantala, hindi nahirapan ang kampo ni Cong. Sonny na kuning endorser si Coco sa pagtakbo nitong senador dahil bukod sa matagal na silang magkakilala, naniniwala ang Kapamilya actor sa advocacy ng pulitiko.

Nangako pa nga si Coco na sasama sa kampanya ni Sonny, sabihin lang sa kanya ng maaga ang schedule para maayos niya ang kanyang schedule.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Lovi bahay at lupa sa sosyal na subdivision ang birthday gift

Birthday ni Lovi Poe ngayon. She’s 24 years old at kahit may kontrobersiyang hinaharap dahil sa sexy dance number nila ni Rocco Nacino sa Party Pilipinas, masaya pa rin nitong isi-celebrate ang kaarawan.

Ang ipinapatayong bahay sa isang subdivision sa Taguig City (kundi kami nagkakamali) ang birthday gift nito sa kanyang sarili. Malapit na siyang lumipat sa bahay na tila puro celebrity ang nakatira gaya ni Bianca King. Ito raw ang “in” place ngayon among celebrities pero baka ayaw nilang ipasulat, kaya hindi namin isinulat.

Sobrang thankful si Lovi sa patuloy na pagdating ng blessings, malapit nang matapos ang Afternoon Prime soap nila ni Rocco at ang tsika, ang next soap niya ay sa primetime slot.

Alden at Louise makikipag-reunion kay Agot

Tama ba ang balita naming si Andoy Ranay pa rin ang magdidirek ng next soap nina Alden Richards at Louise delos Reyes. Kasama rin daw sa cast si Agot Isidro, kaya reunion ito ng apat na magkakasama rin sa One True Love.

Ayaw pang sabihin ang title ng soap, napalitan na raw ang Prinsesa ng Masa, pero sigurado na ang bagong pamagat. In fact, tinawagan na ang cast para sabihing kasama sila sa soap at inihahanda na ang storycon at susunod na ang taping.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: