^

PSN Palaro

Meralco, San Miguel unahang pumuwesto sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magpipilit makaba­ngon ang Tropang Texters buhat sa kauna-unahan nilang kabiguan, habang mag-uunahan naman sa pagdak­ma sa ikaapat na tiket sa quarterfinals ang Beermen at Bolts.

Lalabanan ng TNT Ka­tropa ang mainit na Globalport ngayong alas-4:15 ng hapon bago ang salpukan ng nagdedepensang San Miguel at Meralco sa alas-7 ng gabi sa 2016 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nakalasap ang Tropang Texters ng 104-107 pagka­talo sa Mahindra Enforcers noong nakaraang Biyernes na nagmantsa sa dating malinis nilang record.

Mula naman sa 0-4 pa­­nimula, tatlong sunod na panalo ang ipinoste ng Batang Pier laban sa Bolts, Beermen at Rain or Shine Elasto Painters para manatili sa kontensyon sa quarterfinals berth.

Bagama’t nakatikim ng kabiguan, nanatili pa rin ang  TNT Katropa sa solong lide­rato sa ka­nilang 6-1 kartada.

Ang mga koponang uupo sa No. 1 hanggang No. 4 ay hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Ipaparada naman ng Beermen, umiskor ng 106-103 panalo laban sa Alaska Aces, si PBA veteran Mike Singletary bilang kapalit ng may injury na si Arizona Reid sa kanilang pagharap sa Bolts.

Naglaro si Singletary sa PBA para sa Barako Bull team at naging isa sa pitong imports na kinuha ng Mighty Sports para pagharian ang nakaraang Jones Cup sa Taipei.

Samantala, inaasahan namang gagamitin ng Rain or Shine ang bagong import nilang si Greg Smith sa pagsagupa sa Mahindra sa Biyernes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with