Vendors bawal sa Rizal Park, Baywalk
MANILA, Philippines — Umapela si Manila Mayor Joseph Estrada sa mga vendors na ipinagbabawal ang pagtitinda sa Baywalk at paligid ng Rizal Park dahil ito ay labag sa batas.
Ayon kay Estrada, malaking abala sa mga motorista at sa mga tao kung papayagan niya na magtinda ang mga ito sa mga bangketa at mga kalsada.
Noong isang taon ay ilang ulit na dumulog ang mga miyembro ng United Vendors Alliance sa tanggapan ng alkalde pero tumanggi itong magbigay ng hawker’s permit sa mga sidewalk vendor sa paligid ng naturang lugar.
Ipinangako naman ni Erap na titignan niya kung ano ang kanyang magagawang tulong at hahanap siya ng magandang lugar para sila ay makapagtinda.
Matatandaang noon ay pinayagan ni Pangulong Mayor Estrada ang mga vendor na magtinda sa paligid ng Baywalk at Luneta dahil sa hiling at rekomendasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang Ermita at kalapit na lugar ay kabilang sa Tourist Belt sa Maynila at nais ni Estrada na ito ay maging malinis at walang abala sa trapiko.
- Latest