^

Metro

Pambubugbog sa pilay na traffic volunteer, pinaiimbestigahan ni Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan na ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang pambubugbog sa isang pilay na traffic volunteer na una nang sumikat sa social media dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho.

Sa pamamagitan ng official Facebook fan page ng alkalde na Manila Mayor Joseph Estrada, naging viral sa Internet ang 35-anyos na si Ricardo Cabuluson na isang traffic volunteer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Ayon   kay Estrada,  inata­san niya ang MPD na alamin kung sino ang  responsable sa pananakit kay Cabuluson. Sa kanyang Facebook page, pi-nost ni Estrada ang video ni Cabuluson habang matiyagang nagta-trapik sa kanto ng Quirino Avenue Extension at Zamora Street, Paco sa kainitan ng araw at kahit nakasaklay lang.

Base sa inisyal na ulat, nasa kanyang dating puwesto si Cabuluson at nagmamando ng trapik nang makaengkwentro niya ang grupo ng walong kabataan na naka-bike.

Pinahinto niya ang mga ito ngunit nagdi-diretso lang ang mga ito. Ilang minuto pa ay bumalik ang mga ito ngunit may kasama nang mas nakatatanda at walang-awang pinagtulungan ang baldadong traffic volunteer.

Hinampas pa ng pamalo ang ulo ang biktima. Dinala sa Ospital ng Maynila si Ca-buluson kung saan kaila-ngang tahiin ang bahagi ng kanyang sugatang ulo.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, nakakuha na sila ng CCTV footage ng insidente at ngayo’y tinitignan na ng mga imbestigador. Napag-alamang pamangkin ng isang barangay kagawad ang isa sa mga sangkot na kabataan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with