PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dalagita tumungga ng silver cleaner

MANILA, Philippines - Patay ang isang dalagita matapos uminom ng silver cleaner sa Tondo, Maynila, kahapon ng tanghali.

Tumanggi ang mga magulang na paimbestigahan pa ang insidente dahil sa paniniwalang sadyang nagpakamatay ang 17-anyos nilang anak na itinago sa pangalang “Nene”, ng Sevilla St., Tondo.

Sa ulat ni PO3 Richard Limuco ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng tanghali, kahapon nang matagpuan ng mga kaanak ang dalagita na nakalugmok sa loob ng kanilang bahay  at sa tabi nito ay nakuha ang isang maliit na bote na naglalaman umano ng kemikal na silver cleaner.

Isinugod pa sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima subalit bigo ang mga doktor­ na maisalba ang buhay nito dahil sa sobrang sunog na umano ang lalamunan at bituka nito.

Wala namang nais magbigay ng anumang pahayag ukol sa dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: