Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pagod nang mag-deny Dennis at Jennylyn kasal na ang pinag-uusapan

Hindi na umiiwas si Dennis Trillo kapag tinatanong siya tungkol sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado at kung magpapakasal na ba sila.

Sagot niya, possible raw na roon na papunta ang kanilang relasyon. Kita naman kasi kung gaano nila kamahal ang isa’t isa at walang problema dahil magkasundo rin ang kani-kanilang mga anak, si Dennis na si Calix at si Jazz ni Jennylyn.

Malungkot lamang si Dennis dahil nasa last two weeks na ang kanilang telefantasya sa GMA 7, ang Mulawin vs Ravena, kaya labis-labis ang pasasalamat niya sa GMA 7 na binigyan siya ng isang malaking project na tulad nito na napapanood pagkatapos ng Alyas Robin Hood.

Pauleen namili na ng damit ng anak sa Japan

Nag-post si Pauleen Luna-Sotto sa kanyang Instagram account ng picture ng group in a wacky pose. Caption niya: “Domo arigato gozaimasu, Fukuoka.  What an awesome last trip before I give birth! (The last trip as per my OB). So much love for this group!”

Kasama pa si Alden Richards na after ng shoot ay bumalik na sa Pilipinas dahil may rehearsal pa siya para sa concert nila tonight ni Sarah Geronimo sa Mall of Asia para sa 30th year ng Cebuana Lhuillier.

Nag-post din si Pauleen ng mga infant wear na hindi raw niya ma-resist bilhin para sa magiging baby girl nila ni Bossing Vic Sotto.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Solenn at Andrea may labanan

Naiinip na ang netizens na tagasubaybay ng action-drama serye ng GMA 7, ang Alyas Robin Hood 2, sa paglabas ng isa pang leading lady ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na si Solenn Heussaff. Excited na raw silang mapanood kung paano makikipagsabayan si Solenn kay Andrea Torres.

“Sandali na lamang ang ipaghihintay nila,” sagot ni Solenn. 

“Kung excited sila, excited din ako na ipakita ang mga ginawa ko nang eksena.  I’m ready na rin na makipagsabayan kay Andrea. Good friends kami, pero siyempre, magkaiba ang characters na ginagampanan namin on ca­mera. Wait na lamang ninyo kung ano ang gagawin ko rito.”

Alamin nating lahat iyan sa Alyas Robin Hood pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, sa Linggo na, September 3, after ng 24 Oras Weekend ang pilot telecast ng isa pang musical show na iho-host ni Solenn with Betong Sumaya, ang All-Star Videoke sa direksyon ito ni Louie Ignacio.

 

 

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: