Alexander sanay sa inglesan
MANILA, Philippines - Napakaganda at bongga ng press presentation ng upcoming GMA teleserye na My Korean Jagiya na pinagbibidahan ni Heart Evangelista na lumipad pa ng Korea para kunan doon ang mga mahahalagang eksena kung saan ang Korean Actor na si Alexander Lee ang kanyang leading man.
Hindi maiwasan ni Heart ang mapaluha sa sobrang galak sa importansiyang ibinigay sa kanya ng GMA sa programang ito bukod sa mga nakaraan niyang projects. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng Kapuso Network through the years simula nang lumipat siya dito.
Si Alexander Lee naman ay excited din na makatambal si Heart na beforehand ay nakakuha na siya ng impormasyon tungkol sa leading lady niya. Palibhasa sa Macao lumaki at nakapag-aral sa Amerika ay natuto itong mag-Ingles na isang malaking plus sa kanya bilang Korean Actor at hindi na niya kailangan kumuha ng interpreter kumpara sa ibang kasamahan niya.
Paggiling-giling ni Ruru kinakagat ng fans
Noong Linggo ay dinumog ng mga taga-San Jose del Monte ang mall show ng mga cast ng Ang Pagbabalik ni Alyas Robin Hood. Gaya ng dati ay si Ruru Madrid ang may pinakamalakas na hatak sa fans na naroroon. Napanood namin ang video ng nasabing event at naging wild ang fans nang gumiling-giling si Ruru habang kinakanta ang Despacito.
Nahirapan na naman ang mga security kung papaano ilalabas ng venue si Ruru noong gabing iyon.
- Latest