^

Bansa

RoRo pa-Indonesia binuksan na

Ellen Fernando, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
RoRo pa-Indonesia binuksan na
Sina Pangulong Duterte at Indonesian Pres. Joko Widodo sa pormal na pagbubukas ng RoRo na bibiyahe sa Davao-General Santos City-Bitung sa Indonesia.
Malacañang Photo

MANILA, Philippines -  Pormal nang inilunsad kahapon nina Pangulong Duterte at Indonesia President Joko Widodo ang maiden voyage ng Roll On-Roll Off (RORO) na bibiyahe sa Davao-General Santos City-Bitung sa Indonesia.

“The Davao-GenSan-Bitung route will not only connect us with the rest of ASEAN. It will also physically integrate our respective archipelagos with the rest of the region,” pahayag ni Duterte sa kanyang mensahe bago ang maiden voyage ng RoRo.

Aniya, umaasa siyang lalong sisigla ang ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia dahil sa RoRo vessel na ito.

Sa kanyang pananalita, sinabi naman ni Widodo na umaasa siya na ang bagong shipping route ay magbibigay ng mga oportunidad sa mamamayan ng Indonesia at Pilipinas. Aniya, alam niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga nasa rehiyon dahil siya umano, gaya ni Duterte ay naging alkalde sa isang bayan na malayo sa siyudad.

Nauna nang sinabi ng Mindanao Development Authority (MinDa) na ang bagong maritime route ay makaka-menos sa travel time mula Davao-GenSan patungong North Sulawesi, Indonesia na isasagawa isang beses kada isang linggo.

Inaasahang aabutin lamang ang delivery ng mga trading goods ng dalawa hanggang tatlong araw kumpara sa dating tatlo hanggang limang buwang paglalayag.

Sinabi ng MinDa, ang Roro ferry service ay magbibigay ng mas mabilis at murang pagde-deliver ng mga trading goods sa Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, Philippine-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA).

Kabilang sa mga du­malo sa Ro-Ro launching sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, may­bahay ni Duterte na si Cielito “Honeylet” Avanceña, mga diplomats at matataas na opis­yales ng pamahalaan.

vuukle comment

JOKO WIDODO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with