^

Para Malibang

Pangalawang Anino (69)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

LALONG nagalit si Alona.

“Ano ang sabi mo? Iiwan mo ako, kami?”

Duguan ang mukha ni Roger. “Wala nang dahilan para magpakabusabos ako sa inyong mag-ina!”

“Meron! Inanakan mo ako! Responsibilidad mo si Yawana!”

“Mga kampon kayo ng demonyo!”

“At ikaw, hindi? Nang napunta tayo sa Itom, hindi ba gustung-gusto mo doon dahil tinrato tayong hari at reyna? Ayaw mo na ngang umalis doon! Kahit ano pa sila, niyakap mo sila dahil nasarapan ka sa buhay natin doon! O ngayon, ako lang at ang anak mo ang masama?”

“Nakikiusap lang naman ako na huwag n’yo namang saktan ang una kong pamilya. Tayo na nga ang may kasalanan sa kanila!”

“Gusto nilang patayin si Yawan!”

“Dahil si Yawan ang unang nanakit!”

“Iba ang uri ng anak ko. Espesyal siya. Hindi siya puwedeng saktan kahit sa ano pa mang dahilan!”

 “Kung ganyan din lang, kailangan ko ring protektahan ang buhay ni Nanette dahil anak ko rin siya!”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Aalis ako.”

“Pupunta ka na sa kanila?”

“Para makatulong kung sakaling susugod ang mga taga-Itom para saktan ang una kong pamilya.”

“Sige, umalis ka! Lumayas ka! At kapag susugod sina Yawan at Tagapag-alaga, pati ikaw ay papatayin din nila!”

“Mamamatay akong gumagawa ng tama. Kung sino sa mga anak ko ang nanganganib, doon ako dadamay.”

Bago pa nakasagot si Alona, nakaalis na si Roger.

“AAAAHHHH! Rogeeeer! Bumalik ka dito!”

Narinig iyon ni Roger pero binale-wala niya.

NAKARATING na si Yawana at ang dalawa niyang anino sa Itom. Sinalubong siya ng mga tao doon.

At yumukod ang mga ito sa kanya.

“Si Tagapag-alaga?”

“Nasa kanyang bahay, mahal na prinsesa ng dilim.”

“Nandidito na ako, Yawana. Palapit ka pa lang, naramdaman na kita.”

“Tagapag-alaga!”

Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with