^

Kutob

Oktubre 6, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa lahat ng pagkakataon, hindi ako nag-iisa. Dahil may tapat at mapagmalasakit na Diyos­ ang gumagabay sa akin.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Hindi panahon para baguhin ang dating binabalak. Huwag padala sa sulsol. Gawin ang anumang gustong mangyari kung ito’y makakabuti sa lahat at sa sarili. Ang mga kasamahan sa gawain ay nangangailangan ng gabay at payo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 33, 40 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Angkin ang lakas ng ESP na makakatulong sa kaibigan na may malaking suliranin. Lumalandas sa kaunlaran ang pakikibaka sa mga gawain. Panahon nang ilantad ang kakayahan at estilo sa nakaatang na mga gawain. Ang kaalaman ay kailangang ibahagi sa mga nasasakupan para makagawa ng tamang paraan sa gawain. Patuloy ang kaunlaran sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 28, 34 at green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Matalas ang kaisipan kaya madaling matuto sa anumang bagay lalo na kung leksiyon sa paaralan. Kung paglalaanan ng panahon ang pag-aaral, tiyak makakamit ang mataas na grado. Matutugunan ang mga mahalagang pangangailangan kung hahanapan ng paraan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 30 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Makaka­tagpo ng bagong kaibigan sa pagtitipong dadaluhan. Iwasan ang mabasa ng ulan o ambon dahil madaling kapitan ng sipon o trangkaso. Huwag magpatuyo ng pawis sa katawan dahil magiging mahina ang pulmon. Posibleng makatanggap ng impormasyon tungkol sa trabaho o negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 36, 34, 30 at peach.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung may makakatagpo na sasalungat sa’yo, huwag mawalan ng lakas ng loob sapagkat nakataya ang sariling kapakanan. Mahaba ang pasensiya subalit kapag sumagad ay sisiklab na parang lumiliyab na apoy sa galit, kaya hinahon ang kailangan. Mula sa karanasan, iwasan ang magkamaling muli. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 40, 41 at white.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Walang sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. Magdasal muna bago ito gawin para makamit ang positibong resulta na hinahangad mo. Malamang magkaroon ng magandang relasyon sa isang bagong kakilala. Naaayon ang panahon sa pagsama sa mga kaibigan. Malulutas ang mga bagay na madalas gumulo sa isip. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 14, 22 at red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Tungkulin ang sumunod sa nakakataas. Magiging masungit at makasarili ang ugali ngayon. Huwag masamain ang anumang iutos mula sa nakakataas. Matutong magtimpi at maging mahinahon sa anumang sitwasyon. Iwasan ang magalit at huwag mag­mura. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 13, 40 at gray.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ikaw ang maliit na makakapuwing. Ikaw rin ang maliit na makakaisip sa daigdig. Iwasan ang magkaroon ng alitan at tiyak hindi ka papatalo kahit wala sa katuwiran. Iiral ang pagka-arugante na dapat iwasan dahil kung mapapasubo, gulo ang kahihinatnan. Ang dapat gawin ay libangin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 22, 39 at blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Mapaghinala ang kasintahan o ang minamahal kaya kaunting ingat kung may itinatagong sikreto. Ang tipanan sa pag-ibig o date ay hindi angkop at dapat ipagpaliban. Magiging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Isang alaala ang makakapagbigay kagalakan sa damdamin. Masusunod ang kahilingan na hindi matatanggihan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang mga katulong ay dapat tumanggap ng makataong pagtingin at pang-unawa. Palawakin ang sirkulo ng pakikipagkapwa tao, maging sa mga kapus-palad. Maging mapamaraan sa pakiki­bagay at tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o sa gawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 20, 36 at violet.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ngayon ang pagkaka­taon na maipakita ang kakayahan at talino sa trabaho. Kahit gaano kahirap ang buhay kung paiiralin ang sipag at tiyaga, makakaahon. Naaayon ang panahon sa paglalakbay. Iwasan ang malungkot at magalit. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 24, 30 at red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Tamang panahon sa pakikipagkasundo sa dating nakasamaan ng loob. Ang pagkamali ay makatao, ang magpatawad ay maka-Diyos. Maganda ang pasok ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 20, 32 at orange.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

MGA

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with