^

Kutob

Mayo 2, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal, kung nais makasiguro kausapin siya ng masinsinan para magkaliwanagan. Huwag kimkimin kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at peach.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Ang pagkamaalalahanin ang katangian na maglalapit sa’yo sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Hindi dapat gumastos para makatiyak na maganda ang impresyon ng tao. Maging natural ka lang. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 44 at pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag maging magastos kahit may pera dahil may mahalagang bagay na paglalaanan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 39, 41 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Unti-unti kang makikilala sa larangan na iyong kinabibilangan. Ipadama ang tunay na feelings. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 30, 41 at tangerine.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Huwag agad magdesisyon. Pag-aralan muna ito at huwag madaliin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 26, 33, 40 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kailangan magpasiya. Kung sino sa magyayaya ng kasal ang pipiliin mong makapareha. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung ano ang gusto huwag magpadalos-dalos dahil maaaring ito ang ikasira. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at gray.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Magpakumbaba at huwag hayaan na umiral ang iyong kayabangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at jade green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng tunay na pagmamahal. Huwag mabahala. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 19, 38 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Nakakadismayang balita ang matatanggap. May kinalaman ito sa love life. Lucky number at color for the day ang 4, 18, 24 35 at maroon.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with