^

Police Metro

Misis may textmate inutas ng lover

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 32-anyos na misis nang siya ay ataduhin ng saksak ng kanyang live-in-partner matapos na mahuli na tinetext nito ang isang lalaking customer naganap kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang kuwarto, sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Paloma Ortiz, stay-in sa isang tindahan na matatagpuan sa 1741 Antipolo st., Sta. Cruz.

Habang ang suspek na live-in-partner nito na tumakas ay kinilalang si Jinggoy Mecono alyas “Tootsky”, 39, tubong Barangay Ketangsal, Western Samar at helper din sa nasabing tindahan.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bago naganap ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi sa ikalawang palapag ng tindahan sa loob ng kuwarto ng magkalive-in ay nakikipag-inuman ang suspek sa kapwa helper na si Albert Palora, 39, sa labas ng kuwarto nang mapansin nito na nakikipagtext ang biktima?aya’t sinita.

Nang makita ang text message para sa isang lalaking customer ay nagselos ito na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang?a kumuha ang suspek ng itak at itinarak sa biktima nang ilang ulit bago iniwan itong duguan sa kuwarto.

Nakita ng?3-taong gulang na anak na lalaki ang duguang ina kaya sinabi ito kay Palora.

 

vuukle comment

PALOMA ORTIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with