^

PSN Showbiz

Bubbles kinidnap ni Angel!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bubbles kinidnap ni Angel!
Bubbles at Angel

Nag-bonding na naman ang mag-wifey na sina Angel Locsin and Bubbles Paraiso base sa Instagram post ng huli kahapon.

Nasa The Farm sila sa Batangas at obvious na nagdi-detoxify.

May minor injury umano si Bubbles at kinidnap siya ni Angel.  “This girl right here is the only one happy that I got an injury -- because it meant she could kidnap me for the weekend without worrying about missing my training. ????#lookatherlaughing #randrweekend#thankswifeyineededthis

Not so young actress na nababalitang buntis, puro throwback ang pictures na pinakikita

Puro throwback photo ang pino-post ng isang actress na nababalitang preggy sa kanyang actor na karelasyon. Yup, kalat na sa showbiz ang balitang preggy ang not so young actress na kasali sa isang primetime show.

Hindi sorpresa sa ilan ang nasabing tsismis dahil makikitang lagi nitong kasama ang boyfriend na actor sa mismong bahay ng huli.

Hindi nga naman sila basta magtititigan sa tuwing magkakaroon sila ng chance na mag-stay sa kuwarto ng actor.

Hindi na naman bata ang dalawa kaya hindi na rin masama kung magkakaroon sila ng anak. Ang isang tiyak lang, lalo silang mawawalan ng career. Eh as it is nga hindi naman bonggang-bongga ang career nila. Chill chill lang ang status.

Aamin ba sila o itatago na lang?

Singer ng lambada sinunog matapos nakawan

Naalala n’yo ba ang kantang Lambada na hanggang ngayon kahit papaano ay naririnig pa?

Natagpuang patay ang singer ng kantang ito na si Loalwa Braz sa Brazil kahapon sa isang sunog na kotse. Ayon sa report, ninakawan ito saka pinatay ng manager ng pinatatakbong inn sa Rio De Janeiro ang singer ng Latin hit song.

Sumikat nang sobra ang Lambada noong 1989 at tumagal din ito ng ilang taon at ngayon nga naririnig pa lalo na nung mag-uso ang ‘throwback’ and flashback.’

Solenn, Carla at Rhian, sanib-puwersa para talunin ang fans

Ngayong Linggo (Enero 22), magtutulu­ngan ang Kapuso leading ladies na sina Solenn Heussaff, Carla Abellana at Rhian Ramos na manalo sa People vs. The Stars.

Kung last week tatlong heartthrobs ang napalaban sa kakaibang tanungan, sa episode naman ngayong Linggo ay tatlong beautiful at talented Kapuso stars ang magpapakitang-gilas para masagot ng tama ang walong tanong.

Maging effective kaya ang team work nila o matalo pa rin sila ng kanilang fans?

Samahan ang delightful power couple na sina Drew Arellano at Iya Villania sa People vs. The Stars ngayong Linggo (Enero 22), 5PM, pagkatapos ng Kapuso Movies sa GMA Sunday Grande.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with