^

PSN Showbiz

Nag-file na rin ng annulment Sunshine iniurong na ang lahat ng kaso sa asawa!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Itinanggi ni Sef Cadayona na nag-break sila ni Andrea Torres, at ang dahilan umano ng break-up nila ay ang kasama niya sa Bubble Gang na si Gie Canlas. Hindi raw isyu iyon sa kanila ni Andrea, at okay sila ng Kapuso sexy actress.

Sagot ni Sef, “Baka hindi lang nakikita ng tao na nagkakausap kami madalas. Okay kami.”

Three years na raw ang kanilang relasyon at hindi isyu sa kanila ang selosan, at hindi naman daw siya nali-link kay Gie.

“Yung kay Gie naman, hindi lang maiwasan kasi mag-partner pero wala naman ‘yun. Hindi naman ako papasok sa ganun,” napangiti niyang sagot sa presscon ng bagong series na Meant To Be.

PAK: Hindi nakapagpigil si Ahron Villena at nag-shout out ito sa kanyang Facebook account ng, “Ibang klase kayo! Masyadong madumi utak nyo! Masyado nyo ako pinapasikat!”

Sa Switzerland ito nag-New Year at sa mga ipinu-post nito sa kanyang Instagram account, solo lang naman siya. Pero may mga nag-post ng litrato ng isang bading na kuha rin sa ganung lugar. Ipinagpalagay ng mga tao na magkasama sila ng aktor.

Nangyari rin ‘yan sa ilang biyahe niya, kagaya nu’ng nasa Pearl Farm ito sa Davao.

Inihanay si Ahron sa ilang aktor na nag-New Year sa ibang bansa kasama ang partner nila. Kagaya ni Prince Stefan na nag-White Party sa Thailand kasama ang karelasyon pati si Ken Alfonso na nasa Europe naman.

BOOM: Dumulog si Sunshine Dizon kahapon ng hapon kasama ang abugado niyang si Atty. Rizza Sison sa tanggapan ng City Prosecutor Fabinda K. delos Santos para i-file ang Affidavit of Desistance para sa dalawang kasong isinampa niya laban sa asawang si Timothy Tan at ang
nadawit na si Clarisma Sison.

Nagbigay si Sunshine ng statement pagkatapos niyang pirmahan at sumpaan ang naturang affidavit. Pahayag ng Kapuso actress, “We’re dropping all the cases against my ex-husband Timothy Tan.

“Ang masasabi ko lang is ultimately I’m a mother, it’s sad that I won’t be able to give my children exactly what they want.

“Masakit ‘yun sa aking mga anak na hindi ko na kayang ibigay ‘yung dati at buuin ‘yung pamilya namin.”

Ang magkabalikan sila ni Timothy ang kahilingan ng mga anak niya na hindi nila kayang gawin. “Ang pinakapuwede ko lang mabigay ay ‘yung gawan ko ng paraan na hindi masira ‘yung relasyon ng anak ko sa tatay nila. So, that’s why we filed the desistance.

“I also want to make it clear that hindi pa rin po tapos ang laban. I think I owe it to myself already to be free of all these.

“I’m also filing na rin for annulment.

“Marami pong bagay sa buhay na kailangan nating tanggapin na hanggang dun na lang talaga. Ang importante sa akin ngayon is ma-save ko ‘yung konting maibibigay ko sa aking mga anak,” napapaluhang pahayag ni Sunshine.

vuukle comment

SEF CADAYONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with