'Inahing Bayan'
BREAKING NEWS: It was just revealed that all the presidentiables are secretly endorsing Vice-Presidential candidate Jojo Binay! You’ll be shocked to see by simply getting all the initials of the first names of the following candidates for President — Noynoy (N) ... Erap (E) ... Gibo (G) ... Richard (R) ... Others (O) — NEGRO? Ngek!
But according to Binay’s camp, this is just a clear case of BLACK propaganda. Ngek ulit! (Dapat yata NEWS BLACKOUT ito.)
* * *
Well, the May 10 election campaign is finally over. AWAT at TAWA na. What we need now is pampalamig ng ulo. What we need is yelo — YELO is cool. I know, I know — but that was not disguised campaigning. Tapos na nga eh. Basta smile and peace na tayo. And don’t forget LOVE. How do you spell love? YELLOW ... V... E ... LOVE. Ooops, sorry. Okay, serious na talaga. No more campaigning today. I believe that the law permits campaigning only up to yesterday. But, on the other hand, I am not certain if it covers print media. Well, to be fair, let’s just follow the law. Remember, no one is above DILAW. Ngek!
But seriously, sino kaya ang magandang iboto?
* * *
PEDRO: Pababa pa rin ba ang rating ni Villar sa survey?
JUAN: Oo eh ... na-overtake na nga ni Erap eh.
PEDRO: Eh ‘yung vice-president n’ya?
JUAN: LOW REN.
* * *
HEADLINES TODAY: ‘VOTING MACHINES FAIL’ ‘POSTPONE ELECTIONS’
HEADLINES TOMORROW: ‘CONDOM MACHINES FAIL’ ‘POSTPONE ERECTIONS’
HEADLINES FOR BOTH TIMES: ‘MANUAL NA LANG!’
* * *
Mababasag na rin bukas ang kasaysayan
Ng bilog na hugis itlog na nilimliman,
Kaya nga’t ‘wag palampasin itlog ay tikman,
Ang boto bukas para sa kinabukasan!
Sa mga tinatamad at hindi malaman
Kung sino’ng iboboto na lider ng bayan,
Meron din ‘yang iba’t-ibang mga paraan
Kung paano n’yo sila makakaliskisan.
Ilang nag-endorso sa kanila ay tingnan,
Mukha ba silang nabili o nabayaran?
Kapag tingin n’yoy walang duda na ngang ganyan,
Aba’y ‘wag ‘yang iboto’t walang prinsipyo ‘yan!
Tingnan ding mabuti ngiti ng tinamaan,
Mahirap ikubli mukha ng kalokohan,
At kung may balita nang NANDAYA nang minsan,
Aba’y ‘wag iboto’t walang’ya talaga ‘yan!
Madali daw makalimot tayong nilalang,
Ngunit para sa bansa ay ibang usapan
Lalo na ang kasalanan ng panlilinlang
Nalaman at nakita pa ng buong bayan.
Sobra ba salapi ng mga naturingan?
Hmmm, baka may gustong protektahan mga ‘yan
Kaya pagkakadikit ay ganon na lamang
Sa kandidato nila’t maganda usapan.
Ngunit sa huli pagpili’y sa pakiramdam
Ng puso at isip at inyong kaugnayan,
Mga sinabi naman ay sa walang muwang —
Mga kadalasan ay napaglalalangan.
Basta’t simple lamang sundan n’yong panuntunan
Kung tao sa tingin may kasinungalingan;
May mga maitim na balak sa isipan,
Itlog nila sa balota ay ‘wag itiman!
Bato sa langit kayo sana ay tamaan!
Ang itlog n’yo sana’y maiwang walang laman,
Tutal puro itlog ang pinag-uusapan,
“Mabuhay ang Pilipinas — Inahing Bayan!”
* * *
BAKING NEWS: Birthday cakes for my Kumareng Helen Gamboa-Sotto, the lovely wife of Senatorial bet Tito Sotto. And for my youngest son, Jio. Happy Birthday to both of you!
- Latest
- Trending




























