^

Bansa

Libong mananakay stranded sa ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa higit isang libong mananakay sa lalawigan ng Laguna at Ca­vite ang na-stranded makaraang ilunsad ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), ang kampanyang ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ kahapon ng umaga.

Alas-9:00 kahapon ng umaga nag-umpisang magsagawa ng operasyon ang IACT  kontra sa mga bulok at mausok na public utility vehicles (PUVs) sa Pacita, Complex, San Pedro, Laguna hanggang sa umabot ito sa area ng Cavite.

 Halos walang jeep na pumapasada at maging UV Express ay hindi rin bumiyahe sa takot na mahuli sila ng IACT, dahil karamihan sa mga UV Express ay pawang mga colorum at out of line.

 Kung kaya’t daan-daang commuters ang naistranded sa area ng San Pedro, Laguna, Alabang, Muntinlupa, Las Piñas City at Bacoor, Cavite.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa nang pinagsanib na pwersa ng IACT, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation (DOTr), LTFRB, LTO, PNP-HPG at LGUs.

 Ayon sa Communication head ng IACT na si Elmer S. Argano, nasa 31 behikulo  ang pinatawan ng mga violation dahil sa mga paglabag sa batas trapiko at 5 motorsiklo ang na-impound.

 Nagdeploy naman ng mga military trucks at sasak­yan ang IACT para magbigay ng libreng sakay sa na­-stranded na mga mana­nakay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with