^

Bansa

17 bangkay ng hostages narekober

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
17 bangkay ng hostages narekober

Sa ulat ni Joint Task Force (JTF) Marawi Commander Brig. Gen. Rolando Joselito Bautista, lima sa 17 bangkay ay brutal na pinatay matapos tadtarin ng taga. Nagsisimula na ring maagnas ang mga labi ng makuha ng mga tropang gobyerno sa bahagi ng Brgy. Gadungan ng lungsod, kahapon ng umaga. File

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 414 ang death toll sa Marawi crisis matapos marekober ang 17 pang bangkay ng mga sibilyang hostage sa patuloy na clearing operations ng militar.

Sa ulat ni Joint Task Force (JTF) Marawi Commander Brig. Gen. Rolando Joselito Bautista, lima sa 17 bangkay ay brutal na pinatay matapos tadtarin ng taga. Nagsisimula na ring maagnas ang mga labi ng makuha ng mga tropang gobyerno sa bahagi ng Brgy. Gadungan ng lungsod, kahapon ng umaga.

“The recovered cadavers are believed to be among those civilians who were helplessly murdered by the Maute/ASG terro­rists. This is a manifestation of Maute/ASG’s brutality who killed these innocent civilians in cold blood,” pahayag ni Bautista.

Dahil dito, tumaas pa ang bilang ng mga napatay na sibilyan na mula sa 27 ay naging 44 na habang 299 sa Maute at tumaas na rin sa 71 ang nasawi sa security forces  habang  nakapagtala rin ng malaking bilang ng mga nasugatan sa tropang gobyerno.

Nasa ika-36 araw na kahapon ang labanan na nagsimula noong Mayo 23 nang lusubin ng mahigit 100 Maute-ISIS terrorists ang lungsod ng Marawi. 

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawing sibilyan dahil marami pa na pinaslang ng Maute ang naireport sa militar pero hindi pa nakukuha ang mga bangkay sa battle zone.

“The number of civi­lians executed by Maute terrorists may significantly increase once we validated our information,” ani Padilla.

Kaugnay nito, inihayag naman ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesman ng JTF Marawi na siyam pang hostages ang nasagip sa battle zone kamakalawa. Ang mga ito ay nakilala namang sina Ariel Ansaw, Ronie Albacete, Lando Albacete, Dilbert Macatulag, Micheal Ongos, Mario Manggubat, Jimboy Guinsayao, Bryan Catipay at Algin Generalao.

Sinabi ni Herrera na nasa 120 pang bihag na mga sibilyan ang hawak ng Maute kabilang si Fr. Chito Suganob.

“We have received reports from the ground that the Maute terrorist group is using their hostages as human shields to deter military offensives against them,” sabi ni Herrera na iginiit na ginagawa nila ang lahat upang masagip ang nalalabi pang-hostages.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with